58 _ Stolen kisses

41K 567 60
                                    

LORENZ

Nilibot ko ng lakad ang buong subdivision. Nagpahangin lang naman ako at pinasya ng lakarin ang daan pauwi nang magsimula ng magdilim. 

"Bro," bungad ni Lark sakin pagkapasok ko ng gate. Nasa garden siya at halatang may hinihintay. "Bro, makinig ka naman sakin."

Napabuntong-hiningang humarap ako kay Lark. "Kalimutan na natin 'yon," mahinahong turan ko sa kanya. Para naman siyang nabunutan ng tinik na ngumiti sakin. Napaliwanag na niya ang panig niya. Hindi rin naman pwedeng sa kanya ko ibunton ang nararamdamang galit dahil sa paninibugho.

"Alright!" Masayang bulalas niya at malaki ang ngiti na humarap sakin. "Okay na tayo? Wala ng problema?" Pilit akong tumango sabay ngiti ng matipid. "Tara na sa loob. Kanina ka pa hinahanap ni Lola sakin." Inakbayan niya ako papasok sa loob. Tumawa siya bigla. "Pero kinagat mo talaga si Zooey?" aniyang nakakaasar na tumatawa na naman. "Hindi parin kasi talaga ako makapaniwala. Akalain mong ginawa mo talaga yon sa pangalawang pagkakataon. Ano bang meron sa leeg--"

Huminto ako sa paglakad kaya napahinto rin siya. Tinignan ko siya ng masama na ikinatigil niya sa pagtawa at pagdadaldal. Mabuti pa sigurong hindi ko muna 'to pinansin. Kanina lang nauutal sa pagpapaliwanag tapos ngayon ay bumalik na naman sa pagiging maingay. "Nagugutom ako," nakahimas sa tiyan na saad ni Lark.

"Si Zooey ba kumain na?"

"Siguro," kibit-balikat na sagot niya at balewalang naglakad patungong kusina.

Nagtuloy ako sa pag-akyat sa hagdan. Siya namang paglabas ni Lola Moni ng kwarto namin. Nagsimula siyang maglakad papalapit sakin nang mamataan ako. Hinintay ko siyang makalapit. Nakalimutan kong mag-uusap pala kami ngayon. "Where have you been?" Pormal na saad niya.

"Nagpahangin lang Lola," sagot ko na ikinatango niya. "Hinahanap niyo raw po ako?" Hindi siya sumagot bagkus ay matamang tumingin sa mukha ko. Kinakabahan ako bigla sa kakaibang tingin niyang 'yan at sa pananahimik niya simula pa kaninang umaga. "A-Ano pala 'yong pag-uusapan--"

"I already know the real story behind your marriage," putol niya sa sasabihin ko.

Literal na nagulat ako. 'Impossible!' Alam na niya, pero paano?! Iyan ang pinakaiisang bagay na hindi niya pwedeng malaman dahil natatakot akong mapagalitan at sa magiging reaksiyon nila pagnagkataon. Hindi ko alam ang sasabihin o kung magpapaliwanag ba ako kaya napayuko nalang ako para tanggapin ang anumang sasabihin niya pero nanatili parin siyang tahimik. Pag-angat ko ng tingin ay mataman parin siyang nakatingin sakin. Hindi mo malaman kung galit ba o ano dahil sa kaseryosohan ng mukha. "I-I'm sorry Lola. I didn't intend to k-keep it from--"

"You don't have a relationship, do you?" aniya. Atubiling umiling ako bilang sagot. Nahihiya ako ngayong alam na ni Lola. Panigurado may alam na rin dito si mommy at syempre makakarating kay Daddy. Ang sagwa naman kasing isipin na nagsasama kami ni Zoo sa iisang kwarto kahit kasal kami gayong wala namang namamagitan samin. "I don't want you sharing one room again. Understand?"

"Pero walang kasama si Zoo--"

"It's none of your concern anymore," kunot-noong iniiwas nito ang paningin sakin. Nagpoprotesta ang isip ko. Hindi malayong mapanaginipan ulit ni Zoo ang napanaginipan niya kagabi kaya hindi pwedeng wala siyang kasama.

"Pero--"

"Ako muna ang makakasama niya. Basta ayoko ng magsama kayo sa iisang kwarto gayong wala naman kayong relasyon," may bahid ng galit sa boses ni Lola. Hindi na ako nakapagsalita dahil binirahan na niya ako ng alis. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago pumasok sa loob ng silid namin. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari samin ngayon. Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang malakas na lagaslas ng tubig sa banyo at wala si Zoo rito sa loob.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon