46 - Afraid

37.6K 482 50
                                    

ZOOEY

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa condo ni Engot ay naririnig ko na ang masaya nilang tawanan. Pagpasok ay naabutan ko sila sa sala na nanunuod ng movie habang nagbabatuhan ng popcorn.

"H-Hi Zooey," mahinang bati ni Timmy pagkakita sakin. Umayos siya ng upo. "What the-- Enz!"

"Bwahahahaha," malakas na tawa ni Engot. Ibinuhos niya kay Timmy ang laman ng popcorn sa mangkok.

"Ang bad mo!" Parang batang nagmamaktol na sabi ni Timmy pero piningot lang ni Engot ang ilong niya. "Araaay!"

"Hahahahaha." Malakas na natawa si Engot habang sinasangga ang pamamalo ni Timmy sa kanya ng unan.

Nararamdaman ko na naman ang inis na 'to sa dibdib ko habang pinapanuod sila. Parang gusto kong pag-untugin ang mga ulo nila o 'di kaya nama'y ipukol sa tumatawang mukha ni Engot ang hawak kong susi. Kagabi ko pa napapansin ang malamig na pakikitungo niya sakin. Hindi rin niya ako tinitignan na parang wala ako rito habang nakikipagharutan sa mongoloid na yan.

"Psx!" Pumasok ako sa kwarto at doon nagkulong. Nanuod din ako ng balita at nilakasan ang volume para hindi ko marinig ang tawanan nila.

Hindi ko alam kung bakit nandito si Timmy. Wala ba siyang bahay at nandito siya? At mukhang wala pang balak na umalis. Akala siguro nila na nakakatuwa silang panuorin. Peste!

Sumulyap ako nang bumukas ang pinto at pumasok ang nakangiting si Timmy. Hindi ko siya pinansin dahil naiinis ako sa kanya. Naiinis akong makita siya, na kung pwede lang na palayasin ko siya o kaladkarin palabas ay baka ginawa ko na.

Hindi ko siya gusto kahit wala naman siyang ginagawang masama sakin. Pakiramdam ko ay kaaway siya. Umupo siya sa gilid ng kama at nakangiting humarap sakin. Kunot-noong binalingan ko naman siya.

"Okay lang ba sayo kung nandito ako?" aniya. Nakangiti naman siya sakin pero hindi ko alam kung bakit naaasar ako sa ngiti niya. Pilit na tinanguan ko nalang siya. "Pasensiya ka na pala kung nakakaabala ako. Wala na kasi akong ibang mapuntahan," aniya pa. Sinulyapan ko lang siya at ibinalik ulit sa balita ang tingin. "Mahilig ka sa balita?" Pagkausap parin niya sakin. "Kami kasi ni Enz dati, movie 'yong bonding namin tulad kanina." Napatigil siya sa pagsasalita at bahagyang tumawa. "Hindi nga mahilig sa balita 'yon eh. Boring daw."

Mataman ko siyang tinignan habang nagkekwento ng tungkol sa kanila ni Engot.

"Hehe. Mahilig kaming magpicnic dati ng kaming dalawa lang. Minsan nga umakyat kami ng bundok para lang magpicnic, ayon, naabutan kami ng ulan. Hehehe. Alam mo ba kung anong ginawa niya nang lumakas ang buhos ng ulan?" Nangingiting sumulyap siya sakin at parang kinikilig na tumingin sa kisame. "Binuhat niya ako at pareho kaming naligo sa ulan.  Pakiramdam ko ng mga panahong 'yon ay bagong kasal kami at pag-aari namin ang paligid."

Nakikita ko ang biglaang paglatay ng lungkot at panghihinayang sa mukha niya nang tumingin sakin. "Those were the memories that I treasured the most. We were happy and contented way back then. Everything seems perfect and fine. Regrets are always in the end."

"Psx!" Singhal ko sa mga pinagsasabi niya na ikinagulat niya. Seryosong tinignan ko siya diretso sa mga mata. Wala akong pakialam sa kung anong meron sa kanila dati. At mas lalong hindi ako interesado sa mga kinekwento niya. "Anong ginagawa mo dito?"

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon