-LORENZ
"Mahal!"
"Zoo mahal!"
"Tsk! Kakainis!" Kanina pa ako tawag ng tawag kay Zoo pero ayaw parin akong pasukin dito. Hindi ba niya ako naririnig! "Mahaaallll!" Hindi na siya bumalik dito sa loob ng silid kagabi pagkatapos ng nangyari at simula paggising ko kanina ay hindi pa siya pumapasok dito. "Zooey Jade Fuentebella! Please come here! I wanna go to the c.r!" Naririnig ko lang ang tunog ng mga gamit sa kusina at naaamoy ko rin ang sunog na naman niyang niluluto. "Shit," I murmured. I can't hold it anymore! "Zooey! Zooey please or else I'll let this out here!" Tumayo ako na ang kanan lang ang nakaapak. Kahit masakit ang isa kong paa ay pinilit kong lumakad at tiniis ang sakit dahil kung hindi ay baka dito ako sa kama maglabas ng dumi. Para akong nanalo sa lotto nang makalabas sa kwarto. Malapit na. Humawak ako sa dingding hanggang makarating sa pinto ng banyo. "Hindi ka man lang pumasok sa loob. Kanina pa kita tinatawag. Wala ka bang pakialam sakin?"
"Wala ka sa bahay niyo at isa pa, hindi mo ako alalay. Sa bahay niyo ay may lalapit agad sayo isang tawag mo lang," aniya. Hindi ko siya sinagot. Pumasok nalang ako sa banyo. Ang dulas pa ng sahig dahil basa. Hindi ko napansin ang tunaw ng sabon sa sahig at iyon ang naapakan ko.
ZOOEY
Tignan natin kung pagkatapos nito ay hindi ka parin uuwi sa inyo.
*BLAAG!*
"Bullsh*t!!"
Agad akong pumasok sa banyo pagkarinig ko sa kalabog na yon. Nakita ko si Engot na nasa sahig na at nakadukmo sa tuhod niya. Napangiwi siya habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi dahil siguro sa sakit.
Nakasandal lang ako sa pinto habang pinapanuod siyang pilit na tumatayo. Nagulat pa siya nang makita ako na nakamasid sa kanya. Nakikita ko ang sakit sa mukha niya. "Kaya pa ba?" Sabi ko sa kanya. Napanguso naman siyang tumingin sakin at parang bata na umiiling. "Kung hindi mo na kaya ay tara na't ihahatid na kita sa inyo," turan ko. Tumitig siya sakin. Hindi ko alam kung tama ang nakikita ko sa mukha niya. Umalis ako sa pagkakasandal sa pinto at tumalikod na. Nakonsensiya ako nang bumalatay ang sakit sa mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Umupo ka nalang dito kung nagugutom kana."
Umupo na ako sa mesa at nagsimulang kumain mag-isa. Tahimik naman siya sa loob ng banyo. Hindi ko siya tinignan nang lumabas ng banyo. Mas lalo pa akong nakaramdam ng konsensiya dahil tahimik siyang naglakad pabalik. Sa nakikita ko ay pinipilit lang niyang hindi magmukhang nahihirapan sa paningin ko. Nakikita ko na napapahinto siya at humihinga pa ng malalim bago maglalakad ulit. Hanggang sa nakapasok siya sa loob ng silid.
Natapos na akong kumain at lahat-lahat ay hindi parin siya lumalabas. Hindi ko na rin naririnig na tinatawag niya ako ng kung anu-anong pangalan. Malapit ng magtanghalian pero hindi parin siya kumakain. Nakokonsensiya na naman ako. "Psx! Baka nagbigti na 'yon." Nagpasya akong pasukin na siya sa silid. Naabutan ko siyang nakahiga lang at mukhang malalim ang iniisip. "Hindi ka ba nagugutom?" Bungad ko sa nag-iinarteng Engot. Blangko ang mukha na nilingon niya ako at saka umiling. "Psx! Arte mo!"
Naaawa na rin ako sa hitsura niya. Naalala ko na kaya siya nagkaganyan dahil sa akin na rin siguro. Lumabas ako at kumuha ng pagkain sa kusina. Hindi mamamatay sa sakit ang Engot na yon kundi sa gutom. Hinatiran ko siya ng pagkain. Pagpasok ko ulit ay nakahiga parin siya . "Kumain kana," malumanay kong sabi sa kanya. Nilingon niya muna ako bago tumingin sa platong hawak ko.