17_ 'smith'

49.9K 592 18
                                    

ZOOEY

Pagkalabas ko ng gate nila Engot ay may kotse ng nakapark. Ito yong gray na kotse kanina na sumusunod samin. 'Sabi ko na nga ba at pamilyar.' 

May lumabas na lalaking nakagreen sa driver seat at ngumisi siya pagkakita sa akin. May lumabas din na tatlo pa sa likod ng kotse. At lahat sila ay nakangisi na pagkakita sakin.

"Anong ginagawa niyo dito? Paano niyo nalaman ang bahay ni Lorenz?" tanong ko sa kanila.

"Ang ganda naman pala talaga ng bahay ng napangasawa mo Zj," sabi ni Andrew sakin.

"Psx! Pano niyo nga ako nahanap? Sasama ba kayo?" tanong ko sa kanila

"Tinrace ka namin. Yong pag-uusap niyo kanina ni Wayne," ani Jairus nakasandal sa sasakyan.

"Sasama kami, baka kailangan niyo ng back-up," turan din ng isa pang lalaki, si Kenneth.

Pumasok na ko sa loob ng kotse at ganoon din sila. Si Andrew ang nagmamaneho. Nasa likod naman sina Wayne, Kenneth at Jairus. Si Wayne ay abala sa harap ng laptop niya. "Ano naman ang pakulo niyo kanina? Bakit niyo naman kami binuntutan?"

Napabungisngis si Andrew. "Natakot ka ba namin?"

"Psx! Ano bang katakot takot sa pagsunod sunod niyo?" 

"Eh, yong mga kasama mo ba?"

"Duwag yong mga yon. Hindi na natuloy sa pagpunta sa bar dahil natakot sa ginawa niyo."  Napasinghal ako at nagtawanan sila. "Mga loko-loko! Mas natakot pa yong dalawa nong hinabol niyo na kami. Mukha ni Engot kanina, hindi na maipinta." ani ko sa kanila. Natawa na naman sila, pati si Wayne ay napatigil sa ginagawa niya at natawa.

"Yang si Andrew ang sisihin mo dahil yan ang nagmamaneho. Tuwang-tuwa pa yan kanina ng hinabol na namin kayo," sumbong ni Jairus. Malutong na tumawa si Andrew sa tabi ko.

"Mabuti na rin yong ginawa niyo dahil nakatakas ako." Tahimik na kami habang nagbabyahe papunta sa sinasabing address ni Wayne. Nilingon ko siya sa likuran nang may maalala ako. "Wayne, yong tungkol pala sa bata."

"Kukunin ko nalang yon doon," aniya na nakatutok parin sa computer ang paningin. Halata naman sa iba kong kasama na nakikinig sila.

"Ayaw pumayag ni Lorenz na dalhin sa ampunan ang bata."

"Bakit ayaw pumayag? Mahilig pala sa bata yong taong yon?"

"Ewan ko ba sa lalaking yon, bakit ayaw ng pumayag! Kung kailan daw napakilala na sa pamilya niya ay saka ko naman daw dadalhin sa ampunan. Bahala siyang magbantay non." 

"Wala pa naman naghahanap sa batang yon. Ang hula namin ay hindi dito sa pinas yon dinukot."

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon