ZOOEY
"Oo, pupunta ako."
(We'll wait for you here.)
Ibinalik ko na ang cellphone sa bulsa. Nagtatakang tiningnan ko sila Engot kasama ang tatlong kaibigan niya. Anong meron?' May pinagkakaabalahan silang apat. Pagkadating namin dito ay sumunod din sila Lark na may bitbit na mga lulutuin.
Nakangiti sila nang lumapit ako. "Aalis ako," pagpapaalam ko kay Engot. Sinamaan ko siya ng tingin ng ngumiti na naman sakin ng ubod laki.
"Saan ka pupunta?"
Kahit kailan talaga 'tong Engot na to. Tuwing aalis ako lagi nalang nagtatanong at ganyan pa lagi ang tanong niya. "Diyan lang."
"Saan?"
"Psx! Ang dami mo na namang tanong. Aalis na 'ko." Tiningnan ko muna isa-isa sila Lark bago tumalikod diretso papunta sa pinto.
"Dito ka uuwi."
Napahinto ako sa pagpihit ng seradura ng pinto. Nilingon ko siya. "Natural! Saan pa ba ako uuwi?" Bahagya pa akong napaatras ng maglakad siya papalapit sakin at seryoso na naman ang mukha. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako tuwing seryoso ang hitsura niya. Seryosong nakatingin din ako sa kanya habang hinihintay siyang makalapit.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko nang nasa tapat ko na siya. Matangkad siya kaysa sakin kaya bahagya akong nakatingala. Nakayuko naman siya at diretsong nakatingin sa mga mata ko. Lumaban din ako ng tingin sa kanya.
Napaigtad ako ang bahagya siyang ngumiti habang nakatingin parin sakin. "You're beautiful," parang bulong lang sa hangin na sabi niya. Bahagya niyang pinisil ang magkabilang balikat ko na hawak niya. "Take care, gorgeous."
"Ps--"
Mabilis na ginawaran niya ko ng halik sa mga labi. Ramdam ko ang panlalaki ng mata ko dahil sa gulat at ang panlalambot ng tuhod ko nang dumiin pa ang mga labi niya. Wala akong naririnig na kahit anong ingay dahil tanging naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso ko.
Napatanga parin ako ng umangat ang ulo niya. Nagpipigil siya ng ngiti nang tumingin sakin. Napalunok ako nang haplusin ng hinlalaki niya ang labi ko habang nakatingin sa mga mata ko. Napahawak ako nang mahigpit sa seradura bilang supporta sa nanlalambot kong tuhod.
"Hihintayin kita," aniya at napapalunok pang nakatingin sa mga labi ko. Lumapit siya sa mga kaibigan niya na tulad ko at hindi rin makapaniwala sa ginawa niya. Napaigtad at natauhan ako nang lingunin niya ako. Agad akong tumalikod at mabilis na binuksan ang pinto.
"Woaahhh! Namimihasa ka na bro, ah!" Dinig kong kantyaw ni Lark kay Engot bago ko nasara ang pinto.
"Are you okay miss?" Tanong sakin ng babaeng kasabayan ko sa elevator.
Bahagya ko lang siyang tinanguan at napabuntong-hiningang sumandal. Ipinikit-dilat ko ang mata ko dahil mukha ni Engot ang nakikita kong repleksiyon sa harap. Pagkababa at pagkabukas ng elevator ay hinintay ko munang lumabas ang mga kasama ko sa loob saka ako lumabas at dumiretso na sa kotse ko.
'Ano bang nangyayari sa lalaking 'yon?'
Sukat nanghahalik na lang bigla, sa harap pa ng mga kaibigan niya! At, ano bang nangyayari sa katawan ko? Hindi man lang ako nakakilos, peste! Nanlalambot parin ang tuhod ko hanggang ngayon.
Nagmamaneho na ako patungong Bullet. Si Jerome 'yong tumawag kanina at inaya ako sa Bullet bilang pagtatapos ng kasunduan namin. Tulog si Silverio sa hospital at nakakulong na rin ang poisonous.