9 - Oh, no!

53.8K 733 6
                                    

 ZOOEY

Biyernes, naalala ko na pupunta pala akong linksys ngayon. Sinubukan kong gisingin tong katabi ko. Sinabayan ko ng pagtapik pero tulog parin sya. "Engot!" Niyugyog na't lahat, tulog parin! "Engot! Gigising ka ba o gagawin kong panghabambuhay na yang tulog mo?!" banta ko pa. 'Grabe, tulog parin!'

"Peste! Tulog mantika talaga!" Nanggigigil kong sabi. "Hoy!" Sinabayan ko pa ng palo. Ang himbing parin ng tulog niya! "Ayaw mo talagang gumising ha!" Kumuha ako ng unan at itinakip sa mukha niya.

"hhhhmmmmmmppppppp!"

"Ayan! Bumangon kana diyan! Letse ang hirap mo talagang  gisingin!" sigaw ko sa kanya.

"Papatayin mo ba ako?!" Naalimpungatang sigaw niya pabalik. Naghahabol ng hininga.

"Bumangon kana kasi! Anong oras na!"

LORENZ

Tumingin ako sa orasan sa side table at tanghali na. "Sh*t." Dali dali akong bumangon at pumunta ng kusina para magluto. 'Oo, ako na ang nagluluto LAGI.'

Usapan pala namin ni Lark na ngayon magpapakita kay lola Moni. Walang pasok dahil holiday. Ang bilis talaga ng araw. Pumunta agad akong kusina. Nagmamadali na kong magluto ng agahan at hinanda ang mesa.

"Ano ka ngayon bro? Nagmamadali? Buti nagising ka pa?"

"Holy shit!" Napapitlag kong bulalas. Hindi ko man lang napansin si Lark na nakaupo sa mesa. "Bakit ka ba nanggugulat? Nandyan ka pala."

"Kanina pa nga eh, na halos puting puti na ang mata ko kakahintay sa sala," sarkastiko niyang sabi. 

"Bakit hindi mo ko ginising?!" inis kong sabi sa kanya. 

"Anong gusto mong gawin ko? Pumasok sa kwarto mo at gisingin ka, ganon?"

"Oo. Natural!"

"Hoy baka nakakalimutan mo na may katabi kana sa kama. Anong malay ko kung anong ayos niyo sa loob," sabi niya na tumusok ng hotdog at kinain.

"Wala kaming ginagawa sa loob maliban sa matulog."

"Kahit na! Makikikain na rin ako para busog bago magpakita kay Lola. Makakain man lang sa luto mo. Hahaha." Umupo siya at nagsimula ng kumain.

Nagtimpla na rin ako ng kape para samin ng dominanteng babaeng yon. "Zoo, kakain na!" sigaw ko sa kanya. Nasa kwarto pa kasi siya.

"Ppfffftttt... Hehehe," pigil na tawa ni Lark. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Sandali lang engot!" sigaw rin ni Zooey mula sa kwarto.

Nabuga ni Lark lang hotdog na nasa bibig niya. Nang-aasar ang tingin sakin. "Lumayas ka nga dito, peste ka!" Inis kong sabi sa kanya at naupo na rin sa tapat para kumain.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon