LORENZ
Tapos na ang klase ko sa umaga at mamayang hapon pa ang next class ko. Nagdadrive na ako pauwi sa condo dahil nandon daw ang tatlong bugok. Ewan ko lang kung bakit. Kinabahan ako nang makitang tumatawag si Lola.
"Hello lola?"
[Lorenz! It's almost four days pero hindi parin kayo lumilipat dito. You and Lark promised me to move here as soon as possible pero anong petsa na?! And where is your wife?!] Mababakas mo ang pagkainis sa boses niya.
"Promised? Lola, I can't remember that I promise anything to you."
[I don't care! I'll wait until tomorrow only, at pag wala parin kayo dito ay magagalit na talaga ako. You wouldn't want to see me getting mad, Lorenz.]
I sighed.
[Lorenz?]
"O-Okay Lola. We'll try."
[Don't just try. Do it!] Binabaan ako ng linya.
"Kakainis, bwisit!" Pagkarating ko sa condo ay nandoon na ang tatlo. Initsa ko sa center table ang mga gamit ko at pasalampak na naupo sa sofa. Naupo naman sila sa katabing sofa.
"Bad mood bro?" tiningnan ko lang si Lark. "Galit na si Lola Moni. Bakit hindi pa raw tayo lumilipat."
"Oo, alam ko dahil kakatawag lang din niya kanina."
"Alam na ba ni Zooey na kasama natin siyang lilipat don?" ani Lark.
"Hindi."
"Ano?! Dapat sinabi mo ng maaga. Balaan mo siya sa ugali ni lola Moni dahil baka gulo ang mangyayari kapag lumipat na tayo. Alam na, ang manloloko ay galit sa kapwa manloloko, kaya naman ang ganoong ugali ni lola Moni ay panigurado galit sa kapwa kaugali niya. Magkaugali pa naman sila," mahabang litanya ni Lark.
"So, where's Zooey, Renz? Hindi ko yata nakikita," ani Xandrick.
I sighed before answering his question. "Wala si Zooey," simple kong sagot.
"Sabi sayo, eh. Si Zooey yong nakita natin kanina sa mall. May kasamang lalaki, partz. Nagtataksil si Zooey sayo, partz!" nakangising sabi ni Dexter.
Nangunot ang noo ko. 'Di yata't tinotoo non ang sinabi niya nong naghiwalay kami. "Yon na nga ang problema ko, eh."
"Problema mo? ibig sabihin nanlalalaki si Zooey partz?" nanlalaki ang matang tanong ni Dexter.
"Oo, yon ang sabi niya nong naghiwalay kami."
"Bakit naman? Kunsabagay wala ka pang experience partz baka hindi nakon--"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ganoon yon, okay? Pinalayas ko siya nong pagkauwi namin galing sa hasyenda nila, nong nakidnap ako. Wala siya ngayon dito kasi hiwalay na kami." Napahinto ako at tumingin sa mukha nila. Lahat sila nakanganga na parang di makapaniwala. "Yon nga yong problema ko, wala na siya nang hindi ko pa pinakilala kay lola Moni. Alangan naman maghanap din ako ng iba. Peste! Gulo talaga ang bitbit ng babaeng yon!" inis kong sabi.