LORENZ
"Let me in--bullsh*t!"
"Hindi nga po kayo pwedeng pumasok, sir."
"Shut up!" Kinalampag ko ang mataas na gate ng Linksys. "G*go ka Wayne ilabas mo ang asawa ko! Zooey!"
"Sir, sir, nakakaistorbo po kayo--"
Kinwelyuhan ko ang lalaking kanina pa ako hinaharangan. "Then, sabihin mo sa magaling niyong amo na lumabas dito at harapin ako," madiin kong saad.
Nakapanggigigil. Para na akong hihimatiyin kagabi sa takot nong makita ang dugo na umagos sa binti ni Zoo. Hindi ako halos nakatulog at ni hindi ko pa nadadalaw si Lolo dahil ayoko siyang iwan--sila ng baby ko.
Iniwan ko lang saglit kanina at pagbalik ko ay wala na siya sa hospital! Todo ang pag-aalala ko at nagkagulo na sa hospital sa paghahanap sa kanya. Tapos inilabas lang pala siya ni Wayne!
Nakakapanginig ng laman! Anong karapatan niyang ilabas si Zoo nang basta na lang! Bullsh*t!
"Wayne! G*go ka! Lumabas ka rito at magsuntukan tayo!"
"Sir, sir--"
"Huwag kang makialam--kanina ka pa!"
Pinagsasapak ko na ang lahat ng humaharang sakin. Hindi rin naman sila lumalaban at pinipigilan lang ako.
"Zooey!" Halos sumasakit na ang lalamunan ko sa kakasigaw at sa galit. Pumulot ako ng bato at ipinukol sa loob. "Wayne! Kapag hindi mo inilabas si Zooey--ipapakulong kita! Kidnapping yan, g*go!"
Pinulot ko na ang medyo may kalakihang bato. "Kapag hindi niyo inilabas ang asawa ko, pasasabugin ko 'tong lugar niyo!" Malakas na nabasag ang isang bintana sa loob na nagpatigil sa lahat.
ZOOEY
Bumalandra ang pinto at bumungad si sir Philip. "Zooey--"
"Hayaan niyo siya." Natahimik silang dalawa. May malakas na nabasag sa kabilang silid. "Wayne, huwag!"
"Don't worry. I'll just talk to him," aniyang lumabas ng pinto.
Naiwan ako at si Sir Philip rito sa loob habang sobrang ingay ng gate sa labas at ang malakas na sigaw ni Engot.
"Bakit ayaw mo siyang harapin?" basag ni sir Philip sa katahimikan. Iling ang naging tugon ko. "Wala siyang kinalamanan sa kung anong meron sayo at sa pamilya niya, labas siya roon."
"A-Ayoko muna. Ayokong madamay siya." Matagal kong nilihim kay Engot ang lahat at nakakasiguro akong hindi na niya maintindihan sa sobrang dami at gulo.
"Tsk!" Lumabas si Sir Philip na iiling iling.
Natakot ako sa nangyari sakin kagabi at ayoko ng maulit yon. Tama si Wayne, wala akong ibang babagsakan kundi ang Linksys. Dito ligtas ako--kami ng anak ko. Pero sa pamilya ni Engot ay hindi.
"Zooeyyyyyyy!"
Tinakpan ko ang tainga ko para hindi marinig ang boses niya. Nilamon ako ng galit kagabi. Hindi ko alam kung anong sumapi sakin at sinugod si Gustavo nang hindi nag-iisip.
"Zooey Jade--ano ba!"
Galit na talaga siya. Pero ayoko! Natatakot ako sa maaaring mangyari. Ang sakit pa ng pisngi kong sinampal ng matandang Moni!
"Mahal!"
Hindi rin ako nakatiis at marahang naglakad patungo sa bintana. Natigilan ako dahil pagsilip ko nakita niya agad ako.