59 _ "blo"

43.2K 564 43
                                    

LORENZ

"Bakit hindi mo pa pinaalis si Timmy sa condo mo?!" Sita ni Lark sakin. Wala siyang dalang sasakyan kaya hinintay ko pang matapos ang klase niya.

"Wala nga siyang ibang mapupuntahan," pagpapaintindi ko sa kanya.

"Kahit na! Bakit hindi siya kay Jerome pumunta? Ginusto niya 'yan, magdusa siya!" Paasik na saad niya. Naabutan kasi niya kami ni Timmy na nag-uusap pagkalabas niya ng harper. Nalaman niya rin kasing nasa Condo ko parin ito. "Ang bilis talaga ng karma," pabulong niyang turan.

Hindi nalang ako nagsalita dahil panigurado hahaba lang 'to. Buong maghapon kong pinagtataguan si Timmy pero sa kakaiwas ko ay inabangan niya tuloy ako sa parking lot ng harper. Tinanong niya kung bakit hindi na ako umuuwi sa condo at pati kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag niya. Inamin ko sa kanyang kasama ko na si Zoo sa bahay. Napagtanto kong wala ng pag-asang maibalik pa ang dating kami pero nandito parin naman ako para tulungan siya gaya ng pangako ko. Hindi na niya nagawang sumagot pa kanina dahil nga dumating na si Lark na nakasimangot na naman.

"Lark," tawag ko ng pansin ni Lark sa tabi ko. Takas-kilay na nilingon niya ako. "Alam na ni Lola," wika ko na nasa daan parin ang paningin. Kagabi pa talaga ako nagtataka kung paano nalaman ni Lola. Hindi niya malalaman kung walang nakapagsabi. Nilingon ko si Lark at tinignan diretso sa mga mata. "I-Ikaw ba ang nagsabi?"

Nanlaki ang mata niyang mabilis na umiling. "Bakit ko naman sasabihin?"

"Alam kong hindi mo talaga sasabihin pero malay ko ba kung nadulas ka na naman. Madaldal ka pa naman at walang preno ang bibig," sumbat ko sa kanya. Observant si Lola at konting banggit lang ni Lark ay malalaman na n'on.

"Wala talaga akong alam diyan, bro. Nagulat nga rin ako pagdating ni Lola kahapon kasi sinigawan agad ako," aniyang natawa pa. "Kaya nga nasa labas ako kahit gabi na kasi hindi ako pinapasok sa loob kung hindi ko raw sasabihin kung nasaan ka. Malay ko ba kung saan ka dinala ng selos mo."

Sinamaan ko siya ng tingin bago itinuon ang pansin sa daan. "Tsk! Kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko. Kunyari asawa mo si Andrea at makita mo kami sa ganoong posisyon. Anong mararamdaman mo?" Seryoso kunyaring tanong ko sa kanya pero sa totoo lang ay gusto ko ng matawa lalo na nang makita ko ang hitsura  niya.

Nanlaki ang mata pati butas ng ilong at bagsak ang panga na tumingin siya sakin. "Ulol!" Sigaw niya nang makabawi at malakas na dinumbol ang balikat ko. "Kasumpa-sumpa ang bunganga ng babaeng 'yon, bro!"

"Hahahaha. Kaya nga bagay na bagay kayo," sabi ko at hindi napigilang tumawa dahil sa reaksiyon niya. "Bakit naman hindi? Boto naman ako sa kanya para sayo."

"Yuck!"

"Hahahahaha. 'Wag mong ibahin ang usapan Lark. Ang tanong ko kung ano ang magiging reaksiyon mo?"

"Pucha--ulol!" Natatawang sigaw niya sakin at mayabang na nagsalita. "Kapag nangyari 'yan, ako pa mismo magiging guwardiya niyo sa pinto!"

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon