15_ interrogation

58.6K 718 34
                                    

LORENZ

Kanina pa ako kinakabahan. Maiisip ko pa lang na sa bahay na kami titira ay kumakabog na ang dibdib ko. Hindi ako natatakot para sa sarili kundi dahil sa ugali ni Zoo. Natatakot ako na baka barahin niya bigla si Lola Moni kapag may sinabi itong hindi niya gusto. Baka pairalin niya ang ugali niyang mautos sa bahay at laging parang galit. Paano nalang kapag masaksihan 'yon ni Lola? O, baka samaan niya nalang bigla ng tingin si Lola 'pag may ginawa itong hindi niya magustuhan.

'Lagot kami!'

May dumagdag pang problema, yong baby na dala ni Zooey. Ayaw pa naman ni Lola ng maingay kaya nga laging napapagalitan si Lark dahil sa pagiging maingay nito.

Andito na kami sa bahay ngayon. Naririnig ko na ang boses ni Lola na halatang pinagalitan si Lark dahil sa dala nitong diaper at gatas ng bata. Karga ko pa si baby pagpasok namin. Natuon agad samin ang atensyon nila. Sila mommy at daddy ay nakaupo lang, si Lark naman ay mahabang mahaba ang nguso nang tumingin samin. At si Lola Moni ay nakapamaywang na humarap samin. Kunot-noong napatingin sa hawak kong bata. Naglakad siya papalapit sa amin. Nakangiting lumapit rin si mommy sakin para kunin ang karga kong bata. Ginantihan ko rin siya ng pilit na ngiti bago binigay si baby sa kanya.

Nasa harap na namin si lola Moni. Sinuri niya si Zoo mula ulo hanggang paa at pabalik, bago tumigil sa mukha at tinitigan ito. Napalunok ako nang makita na kalmadong nakipagtitigan din si Zoo sa kanya. Walang mababakas na takot sa mukha niya at nakuha pa talaga niyang makipagtitigan kay Lola.

Ramdam ko ang tensyon nang mapatingin ako sa mga nakaupo sa sala. Nakatingin rin sila kila Zoo at Lola. Pagtingin ko kay Lola ay nakatingin na din pala siya sakin. Nataranta ako ng tinaasan niya ako ng kilay kaya napahawak ako bigla sa bewang ni Zoo at hinapit siya papalapit sakin, bago ko nginitian ng pilit si Lola.

'Relax Renz!' 

Naramdaman ko na parang nanigas si Zoo dahil siguro hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Hinalikan ko siya sa buhok at mas lalo kong naramdaman na nanigas siya. Nakataas parin ang kilay ni Lola. 'Ano pa ba ang kulang?! Kainis!'

"Ngumiti ka naman," bulong ko sa kanya. Pinisil ko ang bewang niya para magising siya sa paninigas. Ako naman ang nanigas nang hawakan niya ang kamay ko na nakakapit sa bewang niya at pinisil  ito ng malakas. 'Aww! Babaliin ba niya ang buto ko sa kamay!'

"Sweet," ani Lola na nakatingin sa kamay naming dalawa ni Zoo. "Don't you have plans of introducing your wife to us, Lorenz?" 

Napapahiya akong nilingon sila. "Ahm s-sorry." Inakay ko si Zoo papunta sa sala. "Tense ka masyado. Duwag!" Bulong pa ni Zoo sakin. Tumayo kami sa harap nila. "Mom, dad, lola, this is Zooey, my w-wife," sabi ko sa kanila bago bumaling kay Zoo. "My parents, and my grandmother." Lumapit sila mommy at daddy samin. Yumakap si mommy kay Zoo. "It's nice of you to be here, Zooey."

"Welcome to the family iha," ani daddy na ngumiti kay Zoo at tinapik ang balikat ko. 

"S-Salamat p-po, sir," sagot ni Zoo. 

'Sir? Anong sir?!' Natawa sila daddy at mommy. "Sir? I would be more happy if you'll call me daddy." 

"Sige po, d-daddy," naiiling pa niyang sabi.

"H'wag ka ng mahiya samin, iha. You're my son's wife, so you're already part of this family," ani mommy habang hinawakan sa kabilang kamay si Zoo. Kasalukuyan parin akong nakahawak sa bewang niya. 'Mahirap na! Nasa harap pa naman namin si Lola. Baka mahalata kami. Observant pa naman yan.' Mas mabuti ng hindi nila malaman kung pano kami naging magasawa. Basta ayoko ng ipaalam pa sa kanila dahil mas mahabang usapin kapag ganoon. 

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon