-LORENZ
"Psx! Sa baba ka."
"Okay ka na naman, tabi na tayo." Kahit ayaw niya akong patabihin ay isiniksik ko parin ang sarili ko sa kama. Labis na yong tatlong araw kong pagkakahiga sa sahig. Kahit pa may comforter ay ang sama parin sa pakiramdam. Senyorito ako samin tapos hihiga lang ako sa sahig?!
"Masasagi mo lang ang tiyan ko. Bumaba kana. Kung ayaw mo sa sahig ay sa sofa ka nalang sa labas," aniya
"Hindi ko nga masasagi ang sugat mo. Sa ating dalawa ay ikaw ang malikot matulog."
"Mahirap ka pa namang gisingin," dagdag na sabi niya.
"Mahirap lang akong gisingin pero hindi ako malikot matulog kaya paano ko masasagi yang sugat mo," sagot ko sa kanya. Humiga na ako at tumalikod sa kanya. "Ayoko na ngang matulog sa sahig."
"Pano ka nakakasiguro na hindi mo masasagi ang sugat ko, eh tulog ka nga!" Hinila niya ang kumot sakin at humiga na. "Huwag kang humarap dito, ah!"
"Bakit?"
"Psx! Bakit kasi hindi mo dinala rito ang hotdog mong unan."
"Ayaw pang payakap. Hindi na ako haharap sayo para hindi kita mayakap." Kasalukuyan parin akong nakatalikod sa kanya. Noong bata ako ay nakakatulog lang ako kung may niyayakap. Pangit man na pakinggan pero yon ang totoo kaya dala ko na hanggang ngayon.
"Siguraduhin mo lang," aniya. Ilang minutong katahimikan ang sunod na nangyari. Alam kong gising pa siya dahil naririnig ko ang malakas na pagbuntong-hininga niya.
'Ano kaya iniisip nito?'
Nangangawit na rin ako sa posisyon ko. Hindi ko kaya ang iisa lang ang posisyon sa pagtulog hanggang mag-umaga. Naghintay pa ako ng ilang minuto. Hinintay ko lang talaga na makatulog siya. Dahan-dahan ko siyang nilingon.
'Ayos! Tulog na.'
Dahan-dahan ulit akong humarap sa kanya para hindi magalaw yong kama. Madali pa namang magising to. Itinaas ko ang ulo ko habang ipinatong sa kaliwa kong kamay at tinitigan ko ang mukha niya. Aliwalas pala ng mukha niya pagtulog. Anghel siya pagnakapikit pero tigre na kapag nakadilat. Bahagya akong natawa sa naisip. Pinaglandas ko ang kamay mula sa noo niya, sa pinakagusto kong kilay niya, sa ilong niya, sa pisngi at sa---- Napalunok ako nang huminto sa labi niya ang kamay ko. Sa mahigit na isang buwan na pagsasama namin ay hindi ko pa siya nahahalikan.
Possible kaya yon?
Idinikit ko ang hinlalaki ko sa labi niya. Magdadalawang buwan na pala kami limang araw mula ngayon.
Inihiga ko na ang ulo sa unan paharap sa kanya. Hindi ko namalayan na nakapatong na pala sa tiyan niya ang kanan kong kamay.
Hindi naman siguro niya malalaman. Hinaplos ko pa ang magaspang na balat sa gilid ng tiyan niya na gawa ng tama ng bala. Hindi na niya pinalagyan ng bandage dahil okay at hindi na raw masakit. "Tsk! Magnet ka ba at nilapitan ka ng bala!" mahina kong singhal sa tulog na si Zoo. Kinulit ko siya ng kinulit noong isang araw kung saan ba galing ang bala na tumama sa tiyan niya. Hanggang sa sinabi niya na ligaw na bala lang daw 'yon.