ZOOEY
Nakatingin lang ako sa kisame pero ibang imahe ang nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit ang nakangiting mukha ni Engot ang nakikita ko. Nanatili ako sa ganoong ayos at hindi pinansin ang katabi kong si Jerome na kanina pa ako kinakausap at sobrang lapit ng mukha sakin.
Dumikit na sa leeg ko ang mukha ni Jerome dala na rin siguro ng kalasingan. "Lint*k!" Itinulak ko ang mukha niya na sumiksik at bigla nalang hinalikan ang leeg ko. Tumayo ako at hinawakan ang kwelyo ng damit niya. Gulat na napatingin samin ang mga katropa niya. "Kanina ka pa, ah!"
Nakangisi siyang hinawakan ang braso ko at pilit tinatanggal sa pagkakahawak sa kwelyo ng damit niya. Pabalya ko siyang binitiwan. Tumayo rin siya at itinaas ang dalawang kamay niya sakin.
"Sorry. Hindi ka kasi umangal nong una kaya--" Napatigil siya sa pagsasalita. Napatigil din ang nagsasayawan sa dancefloor. Lahat ng atensiyon namin ay nakatuon sa may pinaka exit ng bar. Nakatayo na ang matabang lalaki kanina na pinagtatawanan ng mga katropa ni Jerome. Kasama ang mga kasamahan nito sa table ay nagtutulakan na ito at ang mga katropa ni Jerome.
"Ano?!" Tinutulak-tulak ng matabang lalaki ang isa sa tropa ni Jerome. "Ano! Papalag ka?!"
*CRAXX!*
*BLAGG!*
Tinuwad ng isa sa mga kasama ng matabang lalaki ang mesa. Basag lahat ng baso at bote. Nagsisigawan ang mga bading sa kabilang table. Nagsilabasan na rin ang ibang mga tao rito sa loob dahil sa takot na madamay. Pati ang tumutugtog na banda sa stage ay napatigil din.
"G*go ka pala!"
Pagtingin ko sa paligid ay kakaunti nalang ang naiwan dito sa loob. Naglakad ako palabas at iniwan sila Jerome at ang tropa niya na nagrarambulan sa loob laban don sa matabang lalaki at sa mga kasama nito.
Ngayon ay tinatahak ko na ang daan pauwi sa condo ni Engot. Napatigil ako sa paghihikab nang tuluyang makapasok dahil sa naging ayos ng loob. May ngiting sumilay sa mga labi ko dahil sa nakitang hitsura dito sa loob.
"Engot talaga." Nagkalat ang mga bulaklak sa sahig. Mabango rin dahil siguro nakasinding mga kandila. "Baduy mo Lorenz," bulong ko at naglakad papuntang kusina. Nakaramdam din kasi ako ng pagkagutom bigla.
"Hahahaha. Naalala mo pa 'yon?"
Napatigil ako dahil sa boses ni Engot 'yon. Sinong kausap niya? Tinuloy ko ang paglakad pero napatigil na naman nang makarinig ng mahinang tawa ng isang babae.
"I still remember everything, Enz."
Tuluyan na akong napahinto sa paglakad. Salubong ang kilay na nilibot ko ng tingin ang mga nagkalat na bulaklak sa sahig. Narinig ko pa ulit na nagtatawan sila. Tumuloy ako at nakita si Engot na kumakain kasama ang isang pamilyar na babae.
Nakalatag sa mesa ang napakaraming pagkain at sa tingin ko ay ito 'yong dala nila Lark kanina. Napatigil si Engot sa pagtawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Isang malaming na tingin ang ipinukol niya sakin. Pagkatapos ay nakangiting ibinalik ang tingin sa kasama niya. Nabaling sa babae ang pansin ko. Nakalingon na rin pala ito sakin at nagkatinginan kami. Binigyan ko muna ng huling sulyap si Engot bago tumalikod at naupo nalang sa sala.
"Psx!" Ang babaeng 'yon ang tangang muntik ko ng masagasaan sa tapat ng munchies at ang nakabanggaan ko kanina sa bullet. 'Siya siguro si Timmy.' Ang babaeng pinag-uusapan nila Jerome kanina sa Bullet. Nakikita ko sila sa gilid ng mata ko na lumabas ng kusina. Tuluyan na akong lumingon nang pumasok silang dalawa sa kwarto.
"Peste!" Nakikita ko ang hitsura kong salubong ang kilay sa repleksiyon sa nakapatay na t.v. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis na nararamdaman ko sa dibdib ko. Bumukas na naman ulit ang pinto at lumabas si Engot. Sinulyapan ko siya at nakatingin din pala siya sakin habang nakahawak sa seradura ng pinto ng kabilang kwarto.