-ZOOEY
Sa wakas ay nandito na ako sa labas ng isang maliit na establisyemento sa gitna ng kagubatan. "Club Angelz Racing Ground," pagbabasa ko sa nakasulat sa taas. 'Dito kita tatapusing hayop ka!'
Ang daming sasakyan sa labas. Pulos mamahalin at magaganda lahat. 'Bigtime lahat ng nandito sa loob.'
"Witwiw!"
Sipol sa isang tabi. Marami rin ang nagtatambay lang sa labas. Iba-ibang grupo at base sa pananamit at mga hitsura nila ay halatang hindi gagawa ng maganda. Mga fraternity o mga gangster kuno. May hawak na bote sa isang kamay at sigarilyo naman sa isa pa. Nakita kong ngumiti ng malaki sakin yong isang lalaki. 'Psx, manyak! Hindi uubra sakin yang kamanyakan mo!'
Pumasok ako sa malaking gate. Walang bantay kaya dire!diretso ako sa loob. Nangunot ang noo ko nang bumungad sakin ang isang bar. May hagdan din pataas.
'Nasaan ang racing ground?'
Sumabay ako sa grupo ng kabataan na naglakad papunta sa isang sulok at doon ko nakita ang isa pang hagdan pababa. Doon ko narinig ang malakas na ugong ng mga sasakyan at sigawan ng mga tao. Pakiramdam ko ay nabuhay lahat ng dugo ko. Bahagya akong napangisi hanggang sa bumungad sakin ang totoong racing ground. May kasalukuyan ng nagkakarera.
"brooooommmmmm!"
"broooommmmm!"
"brobroooommmm!"
"brommmmbrobrobrooommm!"Inilibot ko ang paningin. Unang gabi pa lang ito pero ang dami ng tao at kadalasan ay mga kabataan na panigurado ay mahilig sa race. Mas lalo akong napangiti pagtaas ng paningin ko. Nandoon sa isang parang silid sa taas na salamin lang ang harang. Isang may edad ng lalaki ang nakadungaw sa ibaba. Hawak sa kamay ang isang kopeta ng alak.
'Silverio smith. Wag ka lang magpasaway ngayon kundi, isang bala ka lang!'
Kinapa ko ang baril sa bulsa ng jacket. Ito yong hinalughog ko kanina sa damitan ko. Hindi pa tuloy ako nakapagbihis dahil sa kakabunganga ni Engot. Suot ko parin hanggang ngayon ang damit na sapilitang pinasuot sakin ng mommy niya.
"Woooooohhhhh. Itodo mo pa! Malapit na!"
Napalingon ako sa malakas na sumigaw sa gilid. "Psk! Wala na nga sa ayos ang mukha ay nandito na agad. Tibay!" mangha kong sabi patungkol sa lalaking sumigaw. Ang apo yon ni Mang Alfonso, si Jimboy. Tumingin siya sa gawi ko at ang grupo niya. Itinaas niya ang gitnang daliri sa gawi ko at mayabang na ngumisi ang mga kasama niya.
"Masyadong mayayabang! Wala namang binatbat!" Dinig kong sabi ng isang boses lalaki sa tabi ko. Napataas ang kilay ko. Ito yong kalandian ng anak ni Silverio, si Jerome. Napatingin siya sakin at mayabang na itinaas ang ulo habang tinignan ang kabuuan ko. Maya-maya ay ngumisi. "Hi, miss beautiful."
'Ang yayabang ng mga tao dito.' Hindi ko siya sinagot at naglakad na papunta sa direksyon ng mga kasama ko. Gulat at pagkamangha ang mababasa sa mga mukha nila nang makita ako.
"Bakit ganyan ang ayos mo?"
Umupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Wayne. "Pangit ba?"
Umiling naman si wayne habang tinignan ulit ang kabuuan ko. "Mas lalo kang gumanda," nakangiting aniya at ibinalik na sa nagkakarera ang tingin.
"Wooohhhoooo! Goooo number 8."
"Ihataw mo pa! Grabe ang bilis!"
"Aaahhhhhhhhhh! I love you Jared!"
Sigawan ng mga nakapaligid samin. Halo-halo ang ingay dito sa loob dahil sa kapapalo ng mga tao ng plastic na bote para lang makagawa ng ingay. "Galing talaga ni jared," biglang sabi ni Andrew.