ZOOEY
"Master, may boyfriend na ba kayo?" Nanlalaki ang mata na tanong sakin ni Mario. Sinulyapan ko lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Nandito na kami sa training field para dito ipagpatuloy ang nasimulan sa training room. Kasalukuyan kaming nagbebreak mula sa training.
"Ano bang klaseng tanong 'yan, Mario! Syempre meron. Sa gandang 'yan ni Master, imposibleng wala," ani Maria sa kakambal niya at tulad ni Mario ay nanlalaki rin ang matang pumunta sa harapan ko sabay kulbit sa tagiliran ko. "Pakilala mo naman siya samin, Master."
"Sigurado akong wala," kontra ni Mario sa kakambal at pumunta na rin sa harapan ko. "Walang nababagay sayo master maliban sa lalaking kasing astig mo rin. At iilan nalang ang lalaking ganon. 'Di ba master? Hindi ka basta-basta nagboboyfriend?" ani Mario sakin. Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya. "Silence means yes!"
"Tumigil ka nga Mario!" saway ni Maria sa kambal. "Porket silent, yes agad?"
"Oo naman! Kasabihan yata 'yon," ani Mario sa kambal at nahihiyang ngumiti sakin habang nagkakamot ng batok. "Master, kapag n-natuto na ako ay liligawan kita!" aniya sakin. Napangiwi naman akong tumingin sa kanya at sa kabuuan niya.
"Hala, gumising ka nga Mario!"
"Bakit? Hindi naman impossible 'yon, ah!"
"Nangangarap ka Mario. Bakit ikaw pa kung nandiyan naman sina sir Wayne, sir Jairus, sir Kenneth at papa Andrew. I'm sure isa sa kanila ang napupusuan ni Master," ani Maria at nanunuksong tumingin sakin. "Siguro si sir Wayne. Bagay kayo Master."
"Basta kapag natapos na 'tong training na 'to at wala pang boyfriend si Master ay liligawan ko siya!"
"Ambisyoso ka talaga Mario!"
Napabuntong-hiningang iniwan ko na ang dalawa na nagtatalo parin. Pang-apat na araw na ngayon ng pagsasanay nila. Hindi naman sila mahirap turuan kaya nga napunta na kami rito sa training field. Sa tatlong araw na nakasama ko sila ay nasanay na rin ako sa kaingayan at kakulitan ng dalawang 'yon. Walang ibang ginagawa tuwing break kundi ang kulitin ako.
Kahapon pa ako kinukulit ng mga 'yon at kung anu-ano lang ang tinatanong. Mula sa tunay kung pangalan, kung saan ako nakatira, kung ilang taon na ako at pati sa mga paborito ko na kung hindi ko sagutin ay mas lalo lang silang mangungulit. Ngayon naman ay kung may boyfriend na ba raw ako na hindi ko naman magawang sagutin.
"Pero si master may sinisilayan kagabi," ani Maria sa mga kasama niya. Nagtataka naman akong tiningnan siya. Parehong may pilyong ngiti ang kambal. Kahit kailan talaga 'tong kambal na 'to, ang kulit!
"Sinusundan niyo ba ako?" Tanong ko sa kambal. Kaninang umaga, akala ko si Engot na ang nagdudulot ng mahihinang kalabog sa apartment ko. Ang pasaway na kambal pala! Sinundan pala nila ako pauwi noong nakaraang gabi at siguro pati na rin kung saan ako nagpunta kagabi.
"Sino 'yon, master?"
"Psx!" Pasinghal kong turan sa mga nanunuksong tingin nila. Sinenyasan ko 'yong ibang trainee na namamahinga malayo samin. Agad naman silang nagkumpulan sa harap ko. "Tapos na ang break. 'Yong una kong tinuro sa inyo ay kung paano poprotektahan ang sarili niyo o self defense. Ngayon naman ay magsisimula na tayo sa susunod na hakbang."
"Talaga master?" wika ng karamihan na tinanguan ko naman. Mababakas na naman ang pananabik sa mga mukha nila na matuto.
"Magsasanay na kayo kung paano lumaban o offense dahil hindi naman kailangan defense lang," saad ko na nilibot sila ng tingin isa-isa. Tumigil ang paningin ko sa kambal dahil parehong gulat ang mga mukha nila. Ano na naman kayang nasa isip ng dalawang pasaway na 'to.