66

38.9K 557 58
                                    

ZOOEY

'Taragis! Patay na ba ako?'

Puting kisame ang namulatan ko. Puting dingding, pati kumot na nakabalot sakin ay puti. Hinayaan kong masanay ang mata ko sa nakakasilaw na liwanag galing sa ilaw.

Ramdam ko ang pamamanhid ng kamay ko na ginawang unan ng natutulog sa tabi ko. Marahan ko itong hinila. Naalimpungatan naman siya at pupungas-pungas na nag-angat ng ulo. Nakahawak pala ang kamay niya sa kamay kong namamanhid parin.

"M-Mahal . . . mahal?" aniya. Agad siyang tumayo at hinawakan ng magkabilang kamay ang pisngi ko. "Thank God," saad niya malapit sa mukha ko. Napapikit ako dahil pinaghahalikan niya ang buong mukha ko. Mula sa noo, sa pisngi, sa ilong, mata at pati sa baba.

"A-Ano b-ba," mahinang saway ko sa kanya. Nangiwi ako sa biglaang kirot mula sa gilid ng labi ko dulot ng pagsasalita. Mabuti nalang at malinaw ko ng naririnig ang boses kong hindi na paos.

Natigilan siya. Naramdaman ko nalang na marahan niyang hinaplos ang sugat sa labi ko habang nakatingin doom. Tumingin siya sakin bago ibinalik ang tingin doon. Tumigil ang kamay niya saka dahan-dahang bumaba ang mukha. Kusang pumikit ang mata ko nang pumikit siya. Ilang sandali ay naramdaman ko na ang pagdapo ng labi niya sa gilid na parteng may sugat.

Sa una ay dampi lang. Hanggang sa marahang gumalaw ang labi niya. Banayad at masuyo.

"Bro--"

'Si Lark.' Itinulak ko ang parang walang narinig na si Engot. Hindi ko man lang narinig ang pagbukas ng pinto.

Nagkasalubong ang tingin namin saka nagsalubong ang kilay niya. Kasalukuyan parin siyang nakahawak sa magkabilang pisngi ko at parang walang balak umalis sa harapan ko. Saka ko lang napansin ang may band-aid niyang pisngi, may gasgas sa ilong at ang natutuyong maliit na sugat sa ibabaw na labi.

"Excuse me, iho," anang doktor kay Engot. Parang inis pa siyang tiningnan ang doktor saka tumabi patungo sa gilid.

Lumapit ang doktor at nurse sakin. At may kung ano-anong tinanong na tanging tango at iling lang ang isinasagot ko. Kalahati kasi ng atensiyon ko ay nasa likuran nila. Nandoon si Lark at tahimik na nakaupo sa sofa sa tapat ng hinihigaan ko. Nasa gilid naman nakatayo ang walang kangiti-ngiting Lola nila katabi ng nakasimangot na si Engot.

"Good." Narinig ko nalang na sabi ng doktor bago humarap sa kanila ni Engot. Nag-uusap sila. May kung anu-anong ikinakabit pa ang nurse sa tabi ko bago lumabas at naiwan naman kami.

"Mahal, sabihin mo sakin kung saan masakit?" Nasa tabi ko na agad si Engot at ipinaloob ang kamay ko sa mga kamay niya. Hindi ako sumagot at ipinikit lang ang mata ko. "Hey, nagugutom ka ba? A-Anong gusto mong kainin? Prutas lang ang nandito. Gusto mo bang ipagbalat kita? A-Anong gusto mo?" Natatarantang tanong niya na para bang mamamatay na ako sa gutom. "Hey!" aniyang niyugyog pa ang braso ko nang hindi ako tumugon.

"Lorenz, stop that! She'll eat when she's hungry," saway ng Lola nila sa ginagawang pagyugyog niya sakin. "She needs to recover her lost strength so let her sleep."

"Open your eyes, Zoo," tonong pakiusap ni Engot na hindi pinakinggan ang Lola niya saka bahagyang hinila na naman ang kamay ko. "You don't know how I feared the thought of l-loosing you that night."

'Kahit kailan talaga 'to, bakla!'

"Hindi mo alam kung gaano ako natakot n'ong hindi ka pa nagigising. Hinintay kitang magising tapos ngayong gising kana ay tutulugan mo lang uli ako?"

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon