LORENZ
"Sir Lorenz, kakain na raw po!"
Nagbibingi-bingihan ako sa mga katok sa pinto. Ayokong sumabay sa kanila ng agahan, total mamaya pa naman ang pasok ko.
"Bro, bumangon kana diyan!" Tsk! Paano nakapasok si Lark sa kwarto ko? "Hoy!" Tinulak niya ako pero nanatili parin akong nakapikit. Niyuyugyog na naman niya ako. "Bro!"
Natahimik at natigil siya bigla. Napaigtad ako sa biglaang pagkalabog ng pinto. "Get up!"
'Si Lola!'
Mabilis akong tumayo at pumasok sa banyo para maghilamos. Paglabas ko ay sabay-sabay na kaming bumaba. Sa mesa, pinili kong umupo sa tabi ni mommy.
Habang kumakain ay nag-uusap sila tungkol sa gagawin sa graduation namin ni Lark. Tahimik lang ako at ganoon din si Zoo--I mean, Zooey.
Paglabas namin sa hospital ay maayos naman siya. Walang kibo pero sumasagot naman kapag kinakausap.
Nauna akong matapos kaya sa sala ako naupo at binuksan ang t.v. nang may tumabi sa sofang inuupuan ko. "Hindi ka ba sasabay saking pumasok, bro?"
"Mamaya na 'ko."
Narinig kong paakyat na si Lark ng hagdan. Naririnig ko rin ang boses ni mommy at Zoorenz sa may hardin. Napaigtad ako pagbaling. 'Kailan pa siya nandiyan?' Hindi ko man lang namalayan ang paglapit at pag-upo niya.
Tumayo ako at nag-inat. Bumalik na ang dating expression ng mukha ni Zoo. I-I mean Zooey. Yong mukha na walang pakialam, na kahit nandiyan ka ay parang hindi ka niya nakikita. Parang dati lang, noong una ko siyang makilala.
"Makapasok na nga." I made my way to the stairs. Nakasalubong ko naman si Lark na bihis na. "Hintayin mo 'ko Lark, sasabay ako."
"Nahh, nagmamadali ako," aniyang mabilis ang yabag pababa ng hagdan. "Bye!" Huminto siya sa sala, sa harapan ni Zoo. Zooey pala! "Hey, anong gusto mong pasalubong ni kuya sayo? Sis?"
'Sis? Kuya?' Napataas ang kilay ko. Hindi bagay sa kanila. Nakakasukang pakinggan! Mas mukha pang mature mag-isip si Zoo sa kanya. Natigilan ako at inis na tumalikod. "Bwisit!" Zooey nga, at hindi Zoo lang! Sinulyapan ko ulit sila.
"Gusto mo ba ng doughnut, pizza, ice cream? Say what you want and kuya will buy it," anitong kinurot ang pisngi niya.
"Psx!"
Parang gusto kong matawa sa reaksiyon ng mukha ni Lark. Tinalikuran siya ni Zoo kaya laglag na naman ang balikat niya. Pumasok ako sa kwarto ko nang umakyat si Zoo ng hagdan.
"Tsk! Zooey nga at hindi Zoo!" Pinagalitan ko ang sarili habang naliligo. Binilisan ko ang pagbibihis nang kumakatok na naman si Amy.
"Sir, may naghahanap po sa inyo!"
"Oo papasukin mo!" Nagpupunas ako ng buhok nang lumabas. Nagulat na naman ako nang mabungaran si Zoo na nakasandal sa katapat na kwarto. Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha at tumitig sakin. Ilang beses akong napapalunok. Hinihintay ba niya ako?
"Sir--"
"Oo, nandiyan na!" Malalaki ang yabag na tinungo ko pababa. Nasa sala si Jerome naghihintay. "O, ano na naman?" Humarap siya sakin. Kahit nakikita ko na ang hitsura niyang ganyan ay hindi parin ako sanay, para akong laging naninibago. Medyo namayat at nagmukha na talagang gangster sa ayos niya na parang walang pakialam sa sarili.