51 - Silver necklace

38.3K 444 72
                                    

LORENZ

"I want to annul our marriage."

"Ano?!" Sigaw ni Lark sakin pagkatapos kong sabihin na pinaalis ko na si Zoo at gusto ko ng mapawalang-bisa ang kasal namin.

"Alam mo naman kung saan ang apartment niya. Ihatid mo 'tong mga damit niya," utos ko sa kanya.

"Ayoko!" Matigas na tanggi niya at itinulak pabalik sakin ang bag. "Bawiin mo nalang 'yong sinabi mo sa kanya nang matuwa naman ako sayo."

"Lark."

"Bro naman! Hindi naman pwede 'yong ganon nalang. Naniwala ka naman agad na may relasyon nga sila,"  aniya.

"It's true Lark dahil si Jerome mismo ang nagsabi sakin," ani Timmy kay Lark na kalalabas lang ng kwarto.

Nakita ko ang pag-ismid ni Lark. Tumingin siya sakin ng masama. "Pero si Zooey rin mismo ang nagsabing wala."

"Then she's a liar!" Sigaw ni Timmy at bumaling sakin. "Enz, she's lying."

"She's not!" Mariing tanggi ni Lark kay Timmy at tumingin sakin. "Jerome's the one lying."

"Really? How are you sure?" Lumapit si Timmy samin at hinarap si Lark. "Kilala natin si Jerome na basagulero pero hindi sinungaling!"

Tinignan ko ang reaksiyon ni Lark. Kita ko ang pagkatahimik niya. Totoong hindi sinungaling si Jerome sa tagal na namin siyang kilala. "O, bakit parang kinakampihan mo na ngayon si Jerome?" Nanunuyang sagot ni Lark at masamang tumingin kay Timmy. "Baka ikaw ang sinungaling," mahinang dagdag niya.

"I'm not a liar!"

"Bakit ka ba nakasigaw?" Nagpipigil na magtaas ng boses si Lark. "Nakikisabat ka na nga lang. Ikaw pa may ganang magalit."

"Because you're accusing me of lying!"

"Who wouldn't, if you sound so defensive!" Malakas na sigaw rin ni Lark na nagpatahimik kay Timmy. Inis din siyang tumingin sakin. Gulat ako sa ginawa niyang pagsigaw kay Timmy. Hindi siya kailanman nagtataas ng boses lalong lalo na sa mga babae. Napatakip si Timmy ng mukha. Maya-maya lang ay maririnig na namin ang kanyang mga hikbi.

"Why are y-you so m-mean t-to m-me?" Paputol putol na tanong ni Timmy sa gitna ng mga paghikbi.

"Isn't it obvious that I don't like you?" Marahas na sagot ni Lark na mas lalong nagpalakas sa hikbi ni Timmy. "Masyado kang Epal. Iniwan mo si Lorenz dahil kay Jerome pero ngayong binasura kana ni Jerome ay lumalapit kana naman sa pinsan ko? Anong klaseng babae ka? Ang tapang naman ng hiya mo."

"Stop it, Lark," saway ko sa kanya. Mas lalong umiyak si Timmy na nauwi na sa hagulgol. Masama sa kalagayan niya 'to. Nilapitan ko siya at agad naman siyang yumakap sakin.

"Pss!" Singhal ni Lark at nagpatuloy sa pagsasalita. "Alam mong may asawa na si Lorenz at tahimik ng namumuhay kasama si Zooey. Pero dumating ka lang at nagkaganito na? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Hindi si Zooey ang dapat umalis kundi ikaw dahil kung tutuu--"

"Lark, I said enough!" Malakas na sigaw ko na nagpaigtad kay Timmy.

Natahimik din si Lark at gulat na tumingin sakin dahil nasigawan ko siya. Tumayo na siya at nakapamaywang na humarap samin. "Lorenz naman! Kung naniniwala ka sa sinasabi niya ibig sabihin ay naniniwala ka kay Jerome! Sabi mong itinanggi iyon ni Zooey. Wala kang tiwala kay Zooey kung mas pinaniniwalaan mo ang sinasabi ng iba. Baka nakakalimutan mong minsan ka ng niloko niyan!" Turo niya kay Timmy sa tabi ko.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon