ZOOEY
"Okay guys, where should we go first. Do you want swimming or... "
"Or, mountain climbing," dugtong ni Engot na nagtaas ng kamay.
Nagtaas ng kamay si Lark. "Swimming?"
Nagkindatan sina Engot at Dexter. "Mountain climbing first," ani Dexter na lumapit kay Tricia at itinaas ang kamay nito.
"Swimming!" Nagtaas si Sasa ng dalawang kamay. Hindi pa siya nakontento at itinaas din ang kamay ni Xandrick. "Swimming, pangga bakla."
"Pffft . . . "
"Tss."
"It's three-three," ani Lark na tumingin samin ni Andrea.
"Kung saan si Zooey, doon ako," ani Andrea kaya nabaling sakin ang tingin nilang lahat.
"Mountain climbing for the win." Inakbayan ako ni Engot.
"Psx! Ayoko."
"Woaaah, yes!" Bulalas ni Lark. "Swimming tayo."
"Psx! Kayo nalang. Matutulog ako."
"Matutulog." Nagtaas na naman ng kamay si Sasa at lumapit sakin. "Gusto mo meme kita, Zooey?"
"Psx!" Singhal ko at nagtawanan naman sila.
"Swimming kami ni Zooe--"
"No!" Sabay na kontra ni Dexter at Engot kay Andrea.
Namaywang si Andrea na hinarap sila. "Jusko! Gusto niyo pala mamundok, bakit sa beach kayo nagpunta?!"
"Yeah, right."
"Tse!"
"Pucha!" gulat na bulalas ni Lark. "You don't have to shout, you know. Hindi naman kami bingi."
"Huwag kang eepal. Hindi porket swimming ang pinili ko, eh, kinakampihan na kita!"
Nagbabangayan na naman ang dalawa. Si Engot naman ay todo kumbinsi sakin na mamundok.
"Both stupid," mahinang usal ni Xandrick sa likuran namin. Kay Lark at Andrea pala siya nakatingin. "We can do both in one day. All we have to do is time management."
"Of course! Nice bro!" Tinapik ni Dexter ang balikat ni Xandrick. "Mountain climbing and then swimming. If we can't do both in one day, we still have tommorow and the day after tomorrow."
"I agree," segunda ni Engot. "If we can't go swimming after mountain climbing today then we'll do it tomorrow morning, even until evening." Nagkatinginan na naman sila ni Dex.
"Pucha! Kuntsaba 'tong dalawang 'to, eh!" Pambubuska ni Lark. "Lagi niyo nalang akong pinagtutulungang tatlo! Ganyan kayo!"
Nagsimula na silang kumilos para sa paghahanda habang nakahilata lang ako at pinapanuod sila.
"Mahal--"