43- "Nightmare I"

45K 592 79
                                    

LORENZ

"Engot!"

"A minute!" I take a look at myself in the mirror for one last time. I smiled to myself remembering the unexpected things that is happening to Zoo.

Pagkagising ko kanina, mukha agad niya ang nabungaran ko. Ginising niya ako para kumain at hindi lang yon, ihahatid niya pa ako sa harper ngayon.

Binigyan niya ako ng ice cream kagabi. Ngayon naman ay kusa siyang nag-alok na ihatid ako. Inamoy ko muna ang sarili ko. "Bango!" Nakangiti kong sabi sa harap ng salamin.

Nagulat ako sa nakitang repleksiyon sa salamin. Si Zoo nasa pintuan at masamang nakatingin sakin sa salamin. Hindi ko man lang napansin na bumukas 'yong pinto. Nakangiti akong humarap sa kanya pero inismiran lang niya ako bago lumabas.

"Dalian mo."

Tumingin muna ulit ako sa salamin bago sumunod palabas. Nakita ko siyang nasa loob na ng pasarang elevator. "W-Wait!" Binilisan ko ang paglakad at pinigilan ang pagsara nito. "Balak mo ba akong iwan?" Bulong ko sa kanya. Blanko ang mukha na diretso lang sa harap ang tingin niya.

Tumahimik nalang din ako dahil nakatingin sakin ang ibang kasama namin dito sa loob. Akalain pa nilang kinakausap ko ang sarili ko dahil hindi naman ako pinapansin ni Zoo. Sanay naman ako sa ugali niyang parang walang pakialam sa mundo pero iba kasi ang pakiramdam ko ngayon sa pananahimik niya. Parang may iba sa kanya, hindi ko lang matukoy kung ano 'yon.

Bawat bukas ng elevator ay may pumapasok, hanggang sa siksikan na kami dito sa loob. Sinadya kong dumikit pa lalo kay Zoo pero hindi niya parin ako pinansin. Diretso lang ang tingin niya sa harap at nakasilid pa ang kamay sa bulsa ng jogging pants niya.

"Zoo," tawag ko sa kanya. Naglalakad na kami palabas, patungo sa sasakyan niya. "Thank you for the ice cream." I said, giving her a smile. Pero, hindi niya parin ako pinansin >_<!

Pagkaupo ko sa tabi niya ay pinaharurot agad niya paalis ang sasakyan. Palingon-lingon ako sa kanya pero tahimik lang siyang nagmamaneho at blanko na naman ang mukha.

Nawala lahat ng inis at galit ko kagabi pagkakita sa pasalubong niyang ice cream sakin. Ang sarap isipin na naaalala niya rin pala ako kapag nasa labas siya. Hanggang kaninang umaga ay hindi mawala-wala ang ngiti ko. Nakakapagtaka lang na wala na siyang kibo pagkatapos ibato sakin ang ice cream kagabi at kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya ako pinapansin.

"Zoo, yong tungkol kagabi." Huminga muna ako ng malalim. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ibinato ko yong vase sa pinto. Bwisit!

Meron sa loob ko ang may gustong ipaliwanag sa kanya. Gusto kong linawin sa kanya ang tungkol kay Timmy pero hindi ko alam kung tama ba ang magpaliwanag pa ako. Baka barahin lang ako nito o baka kakausapin ko na naman ang sarili ko tulad kanina nong kumain kami at kanina lang sa elevator.

"Mahal," nilagyan ko ng lambing ang pagtawag sa kanya. Hindi niya ako nilingon pero nakita kong lumunok siya. Naririnig naman siguro ako nito. Bahala na nga! "Iyong tungkol sa sinabi ni Jerome." Hinintay kong magsalita siya pero nanatiling tahimik siya kaya nagpatuloy ako. "Tungkol kay.... kay T-Timmy--" biglang bumilis ang pagmamaneho niya kaya napahinto ako sa pagsasalita. Umayos ako ng upo at itinuon sa daan ang paningin. "Ex ko si T-Timmy. We automatically b-broke up because of Jerome--I mean, she broke up with me because of him. We've been happy together for almost eleven months." Inilahad ko pa ang kamay ko sa pagkekwento, "Everybody said, we were an example of a perfect couple because they could see the love on both of us. Everyone thought or even me, that no one could tear us apart, that we would end up together." Nilingon ko siya at blanko parin ang mukha niya. "But...."  Bahagya akong ngumiti at tumingin sa labas. "They were all wrong, I was wrong. Our perfect relationship came to an end." I smiled bitterly remembering my happy moments together with Timmy. "Everything really has an end even if how you are careful of it not to break, protect it from distraction, it would still break and has limitations." Tahimik parin si Zoo kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "I do love her--yes, that was why I trusted her to the point that I was very confident that she won't cheat on me, without knowing that someones already making a move on her behind my back. And what hurt the most was the love and the trust that I gave her was just ignored in an instant because of someone new. And, it pained me more seeing them happy together a day after she officially broke up with me."

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon