_LORENZ
"Munchies trio tayo."
Magkakasabay kaming apat na magkakaibigan pauwi. Marami na ring mga studyante ang naglalakad palabas ng harper. Katatapos lang ng last subject ko. Monday ngayon, pangalawang araw na break na kami ni Zoo. 'Break?' Gusto kong pagtawanan ang sarili ko. Saan ko ba nakuha ang word na yon. Hindi bagay samin. "Hoy!" Tapik ni Dexter sa balikat ko at inakbayan ako. "Dinaig mo pa si Xandrick sa pananahimik mo."
"Kahapon pa yan ganyan. Hayaan niyo na lang. Ikaw ba naman at si Tricia ang maghiwalay, tingnan lang natin kung hindi ka din maging ganyan," sabat ni Lark. Tinignan ko naman siya ng masama. Sa nabibwisit ako kay Zoo hanggang ngayon kaya hindi siya mawala sa isip ko. Naiinis ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Dapat sana matuwa ako dahil wala na siya at wala ng bwisit sa bahay. Pero imbes na matuwa ay inis ang nararamdaman ko. Napahinto ako sa paglalagay ng gamit sa kotse at nilingon ang malakas na tawanan sa isang tabi.
"Ang sakit parin ng katawan ko na sinipa ng lokong yon," ani Lark na inikot-ikot ang kanyang braso.
"Ang lampa mo kasi," asar ni Dexter kay Lark at tinawanan pa ito. "Ako nga rin. Ang sakit ng likod ko. Pati mukha ko, masakit."
"Tss! Thanks to the two of you," reklamo din ni Xandrick sa dalawa habang hinimas ang mukhang may pasa. Hinawakan ko rin ang nguso ko na may gasgas. Masakit rin ang tiyan ko na nasuntok. Dumaan sa harap namin ang kotse nila Jerome at nagtatawanan pa sila ng mga kasama niya. "Pero mga partz. Hindi ko alam na artistahin rin pala yan si Jerome," nakangising turan ni Dexter. Napangisi naman si xandrick. "Na gang raped pala ang kapatid niya. Tsk! Tsk! Tsk! Delikado na talaga ang panahon ngayon," dagdag niya.
"Bro, alam mo ba kung sinong kaibigan yong tinutukoy ni Zooey?"
"Oo nga. Hindi ko masyadong naintindihan ang kwento ng kaibigan niya pero base sa nakikita kong reaction ng mukha niya---tsk! Napakasakit nga siguro non," ani Dexter.
"Ang labo nga ng kwento niya. Pero nakaka-curious ang reaction ng mukha niya. Para bang sa kanya nangyari yon. Bro, itanong mo kaya kay Zooey," dagdag ni Lark.
"Itanong niyo sa kanya!" Inis kong sabi at sumakay na sa kotse. Paano ko itatanong kung wala na kami at sa tingin naman nila ay sasagot yon ng maayos. "Dalian niyo, nagugutom na ko." Nauna na ako at nakasunod naman ang kotse nila sakin. Ipinark nalang namin sa kabilang kalsada ang kanya-kanyang sasakyan dahil puno ang parking space ng munchies. Ang ingay at crowded ng lugar pagpasok namin. Occupied lahat ng mesa kaya nakiupo nalang kami.
"Nandito rin pala sila Jerome. Naiinis ako sa pagmumukha nila, sarap ihampas sa mesa," bulong ni Lark. Napakaingay ng grupo nila Jerome dahil sa lakas ng tawanan nila. Hindi naman sila masaway ng mga staff ng munchies trio at ng ibang nandito dahil sa takot, mga takaw-gulo kasi. Dumating na si Dexter at inilapag sa mesa namin ang napakaraming inorder niya. "Ano to Dex? Hapunan?" Natatawang puna ni Lark.