62 _ "SmIvFaVi"

41K 569 69
                                    

ZOOEY

Kahit nagtataka ay sinundan ko parin ang naunang sasakyan.  Nagsisimula ng dumilim ang paligid at naririnig ko na ang huni ng mga kuliglig. Ang daan na tinatahak namin ngayon ay ang magubat na daan patungong CARG.

"Letse!" irita kong saad pagkalampas namin sa racing ground. Saan pala ang lungga ng mga sindikatong 'to, napakalayo! Pakiramdam ko ay nasa dulo na kami ng mundo. Wala na akong maaninag na kahit anong ilaw maliban sa ilaw na nanggagaling sa mga sasakyan namin.

Inihinto ko ang sasakyan nang makarinig ng putok ng baril. Nagkakasunod-sunod pa ang putok at sa tantiya ko ay malapit lang dito. Pinasok ko ang masukal na kagubatan. "Psx! May magnanakaw pa yata rito." Hindi ko na pinansin ang narinig na ugong ng sasakyan. Mananakaw pa yata ang kotse ng kambal.

Agad kong sinundan ang mga trainee ng mamataan sila sa gitna ng kagubatan. Kaming mga nasa linksys ay sinanay rin sa dilim kaya hindi mahirap samin ang pasukan ang nababalot sa dilim na kagubatang ito.

"Ma'am Zooey?"

Gulat na usal ng mga sinundan kong trainee nang maaninag nila akong nakasunod sa kanila. Lumapit ako sa kanila at sinenyasan sila na magpatuloy. Patuloy kami sa mabilisang paglakad at palakas naman ang iilang putok ng baril.

Naabutan namin ang ilan sa mga trainee na nasa labas ng isang sementong bakod na may mga tama. Malinaw ko ng naririnig ang putok ng baril na nanggagaling sa loob.

"Maiwan ang iba rito," utos ko sa mga kasamang trainee saka inagaw ang baril ng isa na nakasandal na sa bakod. Tahimik namin na pinasok ang loob ng bakod na 'yon. Bumungad samin ang isang konkretong bahay. "Psx!"

Pinasok namin ang bahay. Nandito ang iba at nakikipagpalitan ng putok sa kabilang kampo. Agad sumama ang tingin ni Kenneth pagkakita sakin pero hindi nalang umimik. Tumabi ako ng tago sa kanya. Hindi ko makita kung nasaan sila Wayne.

"Anong ginagawa mo rito?!" Pabulong na sita sakin ni Kenneth.

"Nasaan sila?" Hindi ko sinagot ang tanong bagkus ay nagtanong. Hindi na nagawang sumagot ni Kenneth dahil pareho kaming natigilan sa magkakasunod-sunod at parang nagpapalitan ng putok sa taas.

"Takte, Zooey!" Bulalas ni Kenneth.

Mabilis kong tinakbo ang hagdan paitaas at hindi alintana ang mga putok. Ginamit ko na rin ang hawak na baril at pinaputukan ang mga kalaban. Kilala ko ang mga narito. Lahat sila ay mga myembro ng poisonous. Tama nga ang sabi ni Jimboy na under na rin ang poisonous sa mga malalaking tao tulad ng toxic.

May kamay na mahigpit na humawak sa braso ko. Iniuma ko ang baril sa kanya pero tinabig lang niya ito saka salubong ang kilay na hinila ako at isinandal sa dingding. "What the hell are you doin' here?!" Mahinang sigaw sakin ni Wayne.

Hinila ko ng bahagya ang kamay ko pero parang mas nanggigigil lang siyang pinigil ito. "Bitiwan mo ako, Wayne, ano ba!" Mahinang sita ko rin sa kanya. Lumuwang naman ang pagkakahawak niya sa kamay ko saka nanlulumong iniwas ang paningin sakin. "B-Bakit?" Kinakabahan kong tanong.

"Pagdating namin dito, hindi pa man kami nakakalapit ay pinaulanan agad kami ng bala kaya kinailangan pa namin ng back-up. Nang makapasok kami, nakatakas na ang toxic, tanging ang mga 'yan nalang ang naabutan namin at nakatakas pa 'yong iba!"

"Nasaan ang toxic?"

Napahilamos ng mukha na ibinalik niya ang paningin sakin. "Nakatakas ang toxic," aniya.

"Anong--paano?!" Inis kong sita sa kanya. Hindi sila pwedeng makawala dahil sila ang magdadala sakin sa mga amo nila. "Wayne?!"

Mataman siyang tumitig sa mukha ko sa napapabuntong-hiningang hinagod ang batok niya. "May sumabotahe ng plano namin, Zooey. May nagbigay ng signal sa toxic na paparating kami." Unti-unting nagsalubong ang kilay niya na napatingin sa iba naming kasama na kasalukuyan ng hinuhuli ang mga myembro ng poisonous na may mga tama ng bala sa balikat at binti ang iba.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon