_LOREN
Kagigising ko lang. Umaga na kaya ng matulog kami. Tulog na tulog pa ang katabi ko. Pagtingin ko ay wala si Zoorenz sa crib niya. Lumabas ako ng kwarto at nauna ng bumaba para mag late lunch. Pagbaba ko ay napakatahimik at parang walang tao.
Inakyat ko si Lark sa kwarto niya. Hindi na ako kumatok at dumiretso na papasok. Hindi naman kasi to naglalock ng pinto. "Lark, gumising kana! Tanghali na!" Umupo ako sa kama at niyugyog siya ng malakas.
Dumilat naman siya at pumikit-pikit pa. Tumayo at pumuntang banyo. Huminto pa siya saglit at nilingon ako. "Ano palang nangyari sa inyo ni Zooey kanina?" Nakataas ang dalawang kilay na sabi niya.
"Wala! Bilisan mo na, dahil wala akong kasabay kumain!" Taboy ko sa kanya. Tumawa naman siya sakin bago pumasok sa banyo. Umupo muna ako sa kama niya habang naghihintay. Mayamaya pa ay lumabas naman siya at sabay na kaming bumaba.
"Anong petsa pala ngayon, bro?"
"August four, bakit?"
"Mamayang gabi na pala magsisimula ang celebration para sa 21st anniversary ng CARG," aniya at umupo sa mesa. Magkaharap na kaming naupo. "May CARG card ka. Nagparegister ka ba?"
"Hindi na! Tiyak marami ang sasali doon. Ano ba naman ang panama natin sa kanila? Eh, si Xandrick nga hindi natin matalo-talo. Bakit ikaw, sasali ka ba?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Pagkatapos ay nginisihan ko siya. "Kagigising mo pa nga lang, nananaginip ka na naman! Nag-aambisyon ka ba na manalo doon? Baka nga mangulilat ka pa! Hahahaha."
"Of course not! Tinatanong lang naman. Mahal ko pa ang buhay ko bro. Marami ang magpupustahan at malaki din ang premyo kaya panigurado gagawin ng iba ang lahat kesehodang mandaya para lang manalo!"
"Pupunta tayo mamaya sa opening. Si Xandrick ba nagparegister?" tanong ko kay Lark. Kami lang dalawa ang kasalukuyang kumakain ngayon.
"Magpapahuli ba naman yon?! First day pa lang ng registration ay nagpalista na. Excited masyado," aniya sabay tawa kahit may laman ang bibig. "Ano nga palang nangyari kanina? Bakit kayo nagsisigawan ni Zooey?"
'Inaway ko siya!'
"Tsk! Huwag mo ng itanong. Sinisira mo ang mood ko." Nagsalubong ang kilay ko sa kanya. Lumapit siya sakin at inaasar ako sa kung anong ginagawa ni Zooey kasama ni Wayne nong sinundan namin.
"Ikaw naman kasi! Nagyaya agad umuwi! Nagseselos ka ba bro?" Tanong niya sakin at tinignan ko naman siya ng masama na ikinatawa niya ng malakas. "Sino si Wayne? Yon ba yong kasama ni Zooey pumasok sa loob ng bahay kagabi don sa katabing bahay ni Sir Silverio?"