19_ jealous

50.1K 562 29
                                    

-LOORENZ

"Ano ng gagawin natin partz?"

"Basta! Susundan natin siya mamaya, yan ang plano," sagot ko. Nandito pala kami sa bahay namin, sa garden ni Mommy. Pumayag naman silang magtambay dito dahil umalis si lola Moni noong isang araw.

"Tss! You're obviously jealous," ani Xandrick. Napalingon kami dahil sa sinabi niya. Nanlaki naman ang mata kong napatingin sa kanya sabay tawa ng sarkastiko.

"Bakit naman ako magseselos? And to whom?"

"Tss! If you're not jealous then what's your reason behind this?"

"I'm not jealous! Just curious, okay?" Depensa ko sa sarili. Halata sa mukha nilang tatlo na hindi kumbinsado.

"Bakit kasi kailangan pa nating sundan si Zooey mamaya? Saan ba kasi siya nagpupunta at tuwing gabi pa talaga tumatakas? Magbar nalang kasi tayo," reklamo ni Dexter.

"Basta," giit ko.

"Sabihin mo na kasi kung bakit mo ginagawa to?! Wala ka naman pakialam sa kanya," pangungulit parin ni Dexter.

"Nagseselos nga kasi siya! Baka nanlalalaki na si Zooey," mapang-asar na sabat ni Lark.

Binatukan ko naman siya. "Hindi nga sabi ako nagseselos!"

"Oo na! Hindi ka nagseselos kasi curious ka lang," ani Lark habang hinimas-himas pa ang ulo niya.

"Kwento mo kasi samin kung bakit natin siya susundan?" Nahahawa na rin si Dexter sa kaulitan ni Lark. Hindi waring tumahimik nalang. "May ginawa ba siyang kahina-hinala?"

Pinandilatan ko siya ng mata pero nginisihan lang niya ako. "Kasi nga lagi siyang tumatakas tuwing tulog na ang lahat. Tapos umuuwi din pagsapit ng madaling araw kaya nga ayon laging tulog tuwing hapon. Curious lang naman kasi ako kung saan siya nagpupupunta at anong ginagawa niya sa labas ng dis-oras ng gabi," mahabang paliwanag ko sa kanila.

"Sureness?!" Bulalas ni Lark at gulat naman kaming napatingin sa kanya. "Bakit hindi ko napansin?"

"A-Anong 'sureness'?! Pucha! Bakla ka ba?! Saan mo naman napulot yan?"

"Narinig ko lang diyan sa tabi-tabi. 'Sureness' lang, bakla agad?! Ulol ka Dexter!" Sinadyang palakihan ni Lark ang butas ng ilong niya kasabay ng panlalaki ng mata. 'Sira talaga ang ulo!' Minsan naiisip kong may maluwag na turnilyo sa ulo itong pinsan ko. "Paano mo naman napapansin na umaalis gayong tulog na pala kayo. Paano mo namamalayan na wala na pala siya sa tabi mo? Tulog mantika ka kaya," dagdag niya.

"Natural! Magigising talaga ako kung iiyak na si Zoorenz para manghingi ng gatas. Nasasanay na akong magising tuwing gabi."

Natatawa si Dexter na tinapik ang balikat ko. "Tatay na tatay na talaga ang dating ah!"

Ako lagi ang gumigising kapag nanghihingi ng gatas si Zoorenz. Tamad kasi si Zooey! Tapos malalaman ko, naglalakwatsa siya dis-oras ng gabi. Naiinis nga ako tuwing nagigising na wala na naman siya sa tabi ko.

Ayon! Magpahanggang ngayon ay tulog parin si Zoo. Lampas isang linggo ng rin yan siyang ganyan. Akala tuloy nila mommy kung ano na dahil laging tulog. Natural na magiging antukin ang babaeng yon. Lagi ba naman tuwing madaling araw na umuuwi.

"Kids, dinner is ready!" sigaw ni mommy galing sa loob.

'Kids?!'

Si mommy talaga. Ang tatanda na namin para tawaging ganyan. Mga bata pa lang kaming apat ay talagang magkakaibigan na kami. Nasanay kasi si mommy nong mga bata pa kami.

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon