57 _ Abs *__*

45.1K 517 73
                                    

LORENZ

Malakas na katok sa pinto ang gumising sakin. Kahit nakapikit ay napangiti akong kinapa ang tabi ko. 'Nasaan si Zoo?' Mabilis akong dumilat. Wala na si Zoo sa tabi ko. Kasalukuyan paring may kumakatok sa pinto. "S-Sandali!" Hinagip ko ang pajama ko sa sahig sabay mabilisang sinuot at agad binuksan ng bahagya ang pinto.

"Tanghali na," nakangiting saad ni Lark na siyang kumakatok sa pinto. Tinanguan ko lang siya at pinagsarhan ng pinto. "Woooaaahh!" dinig kong bulalas niya sa labas. "Five minutes, bro. Bilis-bilisan mo diyan kung ayaw mong si Lola na ang pumunta rito!"

'Five minutes?' Binuksan ko ang pinto ng banyo pero wala si Zoo sa loob. Naririnig ko pa mula rito ang malutong na tawa ni Zoorenz sa labas. "Hoy Lorenz, ano ba?! Pucha! Bilisan mo naman! Nasa poolside na si Zooey, ikaw nalang ang wala." Narinig ko nalang ang mga yabag niya palayo.

Sumilip ako sa bintana. Nandoon nga si Zoo. Nasa pool din si Mommy at si Zoorenz. Nag-iihaw naman si Lola sa isang tabi katulong si Amy. Pinagmasdan ko ang babaeng nakaupo sa folding lounge sa isang tabi. Hindi ko napigilang ngumiti at pakiramdam ko may mga bulate sa tiyan ko dahil parang nakikiliti ako. Kung pwede ko lang talunin ang bintana para makababa, ginawa ko na.

Nakita ko pa si Lark na nandon narin at mukhang pinagalitan na naman ni Lola Moni. Pareho silang tumingala sa gawi ko sabay tinuro ako ni Lark. Naglakad na si Lola papasok ng bahay habang si Lark ay malakas na sumigaw. "Nandiyan na si Lola, lagot ka!"

Sh*t! Hinablot ko ang sando sa gilid ng kama at mabilisang sinuot. Hindi ako nagmamadali dahil patungo na rito si Lola kundi dahil gusto ko ng makita si Zoo. "I am out of my mind. I already missed her even though we just shared the most amazing--sh*t!" I quickly take a look at our bed. Nanlaki ang mata ko at natatarantang inalis ang bedsheet at kumot. "Sh*t!" Mabilis kong itinapon sa loob ng banyo ang mga 'yon.

Naririnig ko na ang mga pabagsak na yabag ni Lola. Sa isang iglap ay bumukas ang pinto at nakatayo na si Lola sa loob. "Lorenz! Ano bang nangyayari sayo! Tanghalian na pero nandito ka parin?!" Salubong ang maninipis na kilay na singhal ni Lola sakin. Tumakbo ako patungo sa gilid ng kama at tarantang sinipa papunta sa ilalim ang pajama ni Zoo.  "Lorenz!"

"Yes Lola?!" Mabilis kong sagot. Napatuwid pa ako ng tayo na humarap sa kanya.

Pinanlakihan naman ako ng mata ni Lola. "Baba."

"O-Oo! Opo, b-baba na. Bababa na po!" Natataranta kong sabi. My heart's beating faster with what I saw behind the door. Zoo's upper intimate apparel!

"Now!" Pandidilat ni Lola sakin.

Napapalunok akong mabilis na tumango-tango. " I'll just fix myself first, Lol--"

"Then, make it quick! We'll be having our lunch in the pool area," aniyang lumabas na sa nakabukas na pinto.

Malakas akong napabuga ng hangin at kinuha ang nakitang pang-itaas na panloob ni Zoo na naipit sa pinto. Kahit kailan talaga ang babaeng 'yon, burara! Napangiti ako habang pilit tinatanggal sa pagkakaipit sa pinto ng kapirasong tela na 'yon. "Hahaha." I remember how I touched that part of her and even planted a kiss on it.

"Pucha, ang tagal, hoy!" Mabilis kong nahila ang bra ni Zoo na naipit sa pinto at malakas na tunog ng pagkapunit ang namayani--nahati sa gitna! Nasa pinto na naman si Lark. Nanlaki ang mata niyang tumingin sa hawak ko at biglang napangising bumaling sa mukha ko. "Ano 'yan, ha?" aniyang pinulot ang kaperasong tela na naipit parin sa pinto. Bigla siyang tumawa ng malakas habang nakaturo sa mukha ko. "O, bakit para kang nakakita ng multo? Bwahahahahaha!"

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon