LORENZ
"Engot!"
Kalalabas ko pa lang ng banyo at nahiga muna sa kama nang bumalandra pabukas ang pinto. Napabalikwas ako ng bangon at parang gusto ko ng magtago pagkakita kay Zoo.
"Ang tagal mo naman?"
"Oo, ito na nga, mahal." Sinuot ko ang polo ko at natigilan nang lumapit siya. "Bakit--aray! A-Aray mahal, m-masakit!"
Binitiwan niya ang buhok ko at tinungo na ang pinto. "Bilisan mo, naghihintay na ang mga bisita sa resort." Tumigil siya sandali, kinuha ang unan sa kama at mabilis na ipinukol sakin bago lumabas.
"Jezz!" Ipinagpasalamat ko ng unan ang napulot niya dahil kung mabigat na bagay yon--lagot ako dahil ibabato niya talaga sakin yon. Ang sadista niya. Pinagtatawanan ko pa dati si Lark nong ginaganyan siya ni Andrea nong buntis ang huli tapos mangyayari din pala sakin--ang saklap!
Isang harap ulit sa salamin bago ako nagmamadaling bumaba. Naabutan ko si Zoo sa sala at nakatitig na naman sa malaking wedding picture ng parents ni Lark kasama ang pamilya namin at ang pamilya niya. Yeah, I already know everything about her past, she told me. I know that it was her parents in the picture. That was the reason why she cried before just by looking on it.
"Hey!" Niyakap ko siya mula sa likuran sabay himas ng tiyan niya. Well, she's one month pregnant now. "Every time we visit here, there's no chance you won't take time staring at this picture."
Napangiti siya. Nandito kami ngayon sa bahay nila Lark sa cebu para sa magkasabay na binyag ng baby namin at nila Lark. Nauna na sa resort ang mag-asawang Lark at Andrea. "Alam mo bang kasama ako sa picture na yan?"
"Hmmm. . . ?" I'm puzzled with what she said. Sinuri ko ang picture pero wala namang batang babae. "Where?"
"Oo nga." Lumapit siya sa malaking frame at tinuro ang tiyan ng mama niya. "Ito ako, o," aniyang ngumiti sakin. "Ako yan."
"You're kidding me," saad ko pero bigla nalang niyang hinubad ang tsinelas niya at ibinato sakin. "M-Mahal naman."
"Ako nga yan, eh!"
"Oo, naniniwala naman ako sayo." Maingat akong lumapit sa kanya. Mahirap na, nasa malapit lang ang mga figurines at baka yon naman ang ipukol sakin. Niyakap ko siya at hinimas ang tiyan niya.
"Alis!" Tinampal niya ang kamay ko.
"Sungit."
"May sinabi ka?!" singhal niya na nasa bungad na ng pinto.
"Wala!"
"Sinisigawan mo ba ako?!
"Hindi."
"Psx! Huwag kang ngumuso, hindi bagay sayo," pang-iirap niya at sumakay na sa kotse.
'Aww! Basag!' </3
---
Lahat ng tauhan sa resort at pati mga dayo ay imbitado sa binyag. Parang fiesta sa sobrang dami ng pagkain at wala kaming ginasta sa mga pagkain na yan dahil sagot yan ng mga galanteng ninang ng mga baby namin.
Ang malaking catering service ay libre ni Shielangets, Anghela at Monaliza. Ang kinseng letchon ay dala ni Cupidreign. Ang sampung four-layered cake ay regalo mula kay Rashia. Nagdala pa ng sangkaterbang dessert si Foolinlove25. Pati imported na drinks at wine ay dala ni Jonnavie galing London. May mga fireworks pa na nakahanda mamayang gabi na hinanda ni Quenn. Si LoveKoSiSpongebob ay ducati ang neregalo. At free scholarship from pre-school to highschool naman ang kay Jennilyn.