33_ continuation

43.5K 543 30
                                    

_ZOOEY

"I-I-Ikaw?" gulat na sambit ni Edmundo. "Ikaw ang batang yon?!" Naglakad ako papalapit sa kanya at dahan-dahan naman siyang umatras habang nakahawak parin sa tiyan niya ang kaliwang kamay at sa dingding naman ang isang kamay.  "N-Na.....nadamay lang ako non. Hindi a-ako kasali, n-nadala lang ako n-nila Silveri," paliwanang niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Pinulot ko ulit ang bakal kanina habang naglalakad papalapit sa kanya. "B-Ba.....babayaran kita, kahit m-magkano! M-Matagal na yon. K-Kung papatayin mo ako ay hindi ka parin m-makakalabas dito."

"Sinong nagsabi na papatayin kita?" Napangisi ako habang iniikot sa kamay ko ang hawak na bakal. "Hahayaan naman kitang mabuhay, yon nga lang, papahirapan muna kita at sisiguraduhin kong hindi ka na makakabangon pa," saad ko. May ebidensiya ng nakuha ang Linksys sa mga illegal na gawain ni Edmundo. Pati si Martin ay tetestigo rin laban sa kanya. "Bago ka mabulok sa kulungan ay lulumpuhin muna kita!"

Napatakip siya sa mukha niya nang iangat ko ang bakal. Pero hindi ko siya sa mukha pinalo kundi sa tuhod. "Aahh!" Napaluhod siya.

"Lulumpuhin nga kita diba?! Saan ka nakakita ng nalumpo na sa mukha ang pinuntirya! Bobo!"

"W-Wag.... Maawa ka sakin." Naghalo na ang dugo, pawis at luha sa mukha niya. Pero hindi parin ako nakaramdam ng awa kahit kaunti. Manhid na ang pakiramdam ko.

"Mabubuhay ka pero kahirapan ang ikabubuhay mo, Edmundo! Magsama-sama kayo sa kulungan ng toxic. At sisiguraduhin kong lumpo kang papasok sa kulungan. Maghihirap ka parin hanggang doon!"

"Araaaay!"

Marahas ko uling pinalo ang hita niya. Nakayuko na siya at nakatukod ang dalawang kamay sa sahig habang naghahabol ng hininga. Nagtagis ang ngipin kong naglakad papunta sa likuran niya. Doon ko hinataw ng magkakasunod na tatlong beses ang hita niya. "Ganyan ang sakit na naramdaman ni papa, Edmundo! Hindi pa tapos yan dahil meron pa si mama."

"Aaarrrggg! P-Patayin mo nalang ako," nahihirapan niyang sabi. Naglakad ako papalapit sa ulunan niya at iniluhod ang isang tuhod para magpantay kami. Marahas kong hinawakan ang damit niya sa likod at iniharap sakin ang mukha niya. Napapangiwi siyang tumingin sakin. Hindi na maidilat ang isang mata.

"Ano uli yong sabi mo?" Mahinahon kong tanong sa kanya. Nilabas ko ang kutsilyo na nakadikit sa may hita ko at itinutok sa pisngi niya.

"W-Wag y-yan! Pa...paki----aaaahh!" Nakapikit siya habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.

"Anong wag, Edmundo?" Mahina kong pinaglandas ang dulo ng kutsilyo sa pisngi niya. "Anong wag?!" Pahampas kong binitiwan ang ulo niya sa sahig. "Nakalimutan mo na bang ganyan din ang ginawa mo kay papa, ha Edmundo?! Ganyan ang ginawa mo sa kanya sa mismong harapan ko! Sa murang edad ko ay nasaksihan ko na lahat ng kahayupan sa mundo."

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon