27 J?

44.6K 511 27
                                    

_ZOOEY

Maaga akong nagising. Nandito lang sa sala at nag-iisip habang nakatitig sa box na nasa mesa. May nag-iwan ng regalo sakin sa labas ng apartment ko kaninang umaga. Hindi ko alam kung threat ba ito o may nangtitrip sakin.

"Bestfriend kain tayo."

Hindi pa nga ako nakapaghilamos ay nandito na naman ang kapitbahay ko na bestfriend ko kuno. Ayon siya sa kusina ko at nagluluto ng pagkain para samin dahil mag-isa lang din siya sa apartment niya..

Kumain na rin ako kasabay niya. Wala naman sigurong lason ang pagkain dahil kumakain din naman siya. Siya na rin ang nagligpit pagkatapos. Pumasok ako sa silid at hinayaan siya. Malamang ay makikipagkwentuhan na naman yon at mga walang kwentang bagay lang ang sasabihin. Nakakairita!

"Bestfriend! Aaaahhhhh! Bestfriend!" 

Agad akong lumabas dahil sa pagsigaw niya. "Anong nangyari?!

"Gosh! May pitong fafa na naman na naghahanap sayo sa labas!" Nakaturo siya sa pinto habang umiirit. Akala mo bulate na binudburan ng asin. "Bakit parang mga adik naman ang mga yon," dagdag bulong sakin ni Maring.

Tuluyan na akong lumabas ng silid. Pitong kalalakihan ang prenteng nakaupo sa sala. Mga adik nga ang dating. Nagkalat ang hikaw sa tainga at meron din sa dila. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Hindi naman siguro masamang dalawin ka namin dito," ani Jerome.

"Jowa mo rin ba siya?" Tinutusok na naman ako ni Maring sa gilid at panay irit. Inis ko siyang nilingon.

"Lumabas muna kayong lahat at maiiwan ka." 

"Ako?" Nakangising tinuro ni Jerome  ang sarili. Tumango ako. Binalingan niya ang iba niyang kasama at sinigawan na lumabas. Kami nalang dalawa ang naiwan sa loob. Kinuha ko yong box na nakatago sa ilalim ng sofa at inilapag sa mesa. "Buksan mo," utos ko sa kanya.

"Wow! Para sakin ba 'to?" Nakangising binuksan niya ang kahon. Pinagmasdan kong maigi ang reaksiyon niya. Mula sa laki ng ngisi hanggang sa napamaang, nagulat at nanlaki ang mata. "Bullsh*t! What the h*ll is that?!" Gimbal niyang bulalas. Nakatayo lang ako sa harap niya. Tumayo na rin siya't gilalas sa nakitang laman ng kahon. "A-Ano yan?!"

"Nakikita mo naman kung ano yan. Huwag kang bobo para itanong yan," pambabara ko sa kanya. "Ayoko sa lahat ay mga traydor Jerome. Kaya wala akong matalik na kaibigan para iwas na rin sa mga traydor," seryoso kong sabi sa kanya. Naglakad ako papalapit at napapaatras naman siya. "Ngayon ay tatanongin kita. Sa iyo ba galing yan?" 

"H-Hindi! Hindi porket may nakaukit na letter J sa box na yan ay ako na yan. Basagulero at takaw-gulo lang ako Zooey pero hindi ako traydor," pagdedepensa niya sa sarili. Tiningnan ko siya ng mataman. "Maraming pangalan na nagsisimula sa J, hindi lang ako," dagdag pa niya. Kinuha ko yong box at astang ibabalik na sa ilalim ng sofa pero kinuha niya ito. Hinawakan niya ang laman ng box. "Sinong nagbigay sayo nito?"

Marry me or I'll shoot you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon