LORENZ
Napakatahimik ng paligid at napakalamig pa ng simoy ng hangin. Nagkalat ang lahat ng mga papel mula sa mga paputok noong pasko.
Nakatanaw lang ako sa dagat, umaasang babalik siya. Hindi ko matanggap ang nangyari. Kinuha ko mula sa bulsa ang maliit na kahon. Pagbukas ko ay kumintab ang maliliit na bato nito na nasisinagan ng araw.
"B-Bakit Z-Zoo . . . ?" Wala akong makuhang sagot kahit anong isip ang gawin ko. Ang sakit sa ulo at mas lalo na sa puso. Iniwan niya nalang ako bigla. "Bakit . . . b-bakit ba ang d-dali sayong iwan ako?"
Siya lang nasa isip ko ngayon. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang yakapin, gusto ko ng sagot, gusto ko siyang bawiin. Pero paano? Hindi naman siya kinuha sakin dahil siya ang kusang umalis.
"Ang s-sakit Zoo . . . u-ugali mo ba talaga ang h-hindi magpaalam? A-Ang magdesisyon mag-isa?"
Nakakainis siya pero kahit ganoon pa man namimiss ko na siya. Araw na ang lumipas at parang gusto ko ng bumigay. Ayaw na ayaw ko ng pakiramdam na 'to, parang unti-unti akong pinapatay at hinang-hina ang buong pagkatao ko. The same feeling when she left the house for the first time. Nawawalan ako ng interes sa mga bagay.
'Ganito parin kaya ang mukhang 'to pagbalik ko? Baka maghanap ka ng iba pagbalik ko, ha? Ililibing ko kayong dalawa ng buhay.'
Akala ko panaginip lang yon na nagpapaalam siya. Buong araw at magdamag kong pinagsisihin na kung hindi lang sana ako eengot-engot, kung ako lang sana ang bumalik at hindi si Andrea, kung seneryoso ko lang sana ang pag-aalok niya ng tanan, eh 'di sana magkasama parin kami.
"L-Lorenz . . . "
Napatitig ako sa kawalan habang malakas na kumabog ang dibdib ko. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko. Una kong nakita ang paa niya pataas sa malaki niyang tiyan at sa mukha.
LARK JAMES
"Puntahan mo Lark!" Tinulak tulak ako sa balikat ni Dexter. "Baka magpatiwakal yan!"
"Tumigil ka nga, Dex!" inis kong sita sa kanya. "Puro ka kalokohan!"
Kanina pa niya ako pinagtitripan. Na kesyo hindi ko sinamahan ang pinsan ko, sa akin lahat ng sisi kapag nagpakamatay. Isa pang siraulo! Alangan naman na samahan ko magdamag si Lorenz diyan! Pinipilit namin siya pero ayaw niyang pumasok. Magdamag lang yang nakaupo sa buhanginan at nakatanaw sa karagatan.
Nakakaawa pero wala naman kaming magagawa dahil hindi naman kami ang makapagpapawala ng nararamdaman niya. Kahit ang samahan siya ay hindi ko magawa--pucha!
Maya-maya ay may dinukot siya sa bulsa. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Dexter nang mula rito sa terrace na kinatatayuan namin ay tanaw namin ang marahang pag-alog na naman ng mga balikat niya.
"Anak ng pucha naman, o!" bulalas ko at naiiwas nalang ang paningin at tumingin kay Dexter. Naawa ako sa kanya, para siyang bata kung titignan mo.
"Hanapin kaya natin si Zooey, imbes na tumayo tayo at panuorin ang kaibigan nating nagkakaganyan," salubong ang kilay na saad ni Dex.
"Glad that it crossed into your feeble mind."
Pareho kaming nagulat ni Dexter nang may magsalita sa likuran. Nandoon si Xandrick, nakasandal sa pinto at pinapanuod din pala si Lorenz.
"Pucha! Bro, nandiyan ka pala?" Nakangising saad ni Dexter na sinamaan ng tingin ni Xandrick. Asar na asar na talaga si Xandrick samin kaya nilalayuan na kami.
"Dope!" sagot ni Xandrick at biglang pinilig ang ulo habang nagsasalubong ang kilay nang tumingin sa baba.
"Partz, tingnan mo!"