Prologue

4.4K 139 7
                                    


"Ina ! Ama !" sigaw ni Yulia ng makita ang mga magulang na nakahiga at naliligo sa sariling dugo.

Nanginginig siyang lumapit sa mga ito at umiiyak na hinawakan ang bangkay nilang katawan.

'B-bakit. Anong kasalanan niyo at ganito ang ginawa sa inyo?' tanong ni Yulia sa isip niya.

Napatingin siya sa taong naglalakad ng dahan dahan palapit sa kanila.

Pula ang mga mata at nalabas ang mga pangil.
Nagulat siya nang mapagtanto kung anog uri ng nilalang ito.

"Bampira ! Isa kang halimaw !" sigaw nito dito.

Napatawa naman ito sa sinabi niya.

"Ang kwento ni ama sa akin mababait daw ang mga bampira. Tinutulungan nyo kami sa aming kabuhayan. Pero bakit ganun ? Bakit pinatay mo sila ?" tanong nito sa taong ngayon ay nginingisian siya.

Dahil sa mga kwento ng kanyang mga magulang ay sobra niyang kinagiliwan ang kwentong bampira. Kaya natutuwa siya kapag nakakakita siya ng isa sa mga to.

"Ahahah ! Bata ka nga talaga. Madali kang mapaniwala ng mga kathang isip." natatawang sabi nito kay Yulia.

"Halimaw ka ! Bakit mo sila kinain !" umiiyak na sabi ni Yulia.

"Huh. Wag kang mag alala. Isusunod na kita para magkasama sama na kayo." sabi nito at saka akmang lalapit sa kanya ngunit nakarinig siya ng sigaw at napalingon siya sa pinagmulan nun.

Nung bumalik naman ang tingin sa lalaking kausap niya kanina ay wala na ito.
Inilibot niya ang tingin sa paligid pero kahit anino nito ay hindi na niya nakita.

"May bata !" sigaw ng isa sa mga taong nakatunton sa kanya.

Lumapit ang mga ito sa kanya at sinuri siya.

"Iha sasama ka muna samin ha ?" paghingi ng pahintulot sa kanya ng lalaking kausap niya.

Tumango naman ito at sumunod sa lalaking kausap niya.

Muli siyang lumingon sa mga magulang niya na ngayon ay sinusuri ng mga lalaking hindi niya kilala.

'Ama, Ina' pagtawag niya sa isip niya kasama ang pag asa na tatayo ang mga ito at lalapit sa kanya.

"Halikana iha." pagtawag sa kanya.

Umiiyak siyang sumunod dito dahil sa hindi pag gising ng mga magulang nito.
Napahawak naman siya sa kwintas na ibinigay ng kanyang ina nung ika pitong kaarawan niya.
'Igaganti ko kayo Ina' naisip niya

-----------------

"Yulia, ito na ang magiging bahay mo ha."

Inilibot niya ang tingin nito sa malaking bahay na pinasukan niya.

Ang sabi nito sa kanya ay kukupkupin na siya ng lalaking kumausap sa kanya kanina.

Pumunta ito sa harap niya at umupo para maging kalevel siya saka nginitian.
"Magmula ngayon 'papa' na ang itatawag mo sa akin ha ? Dito kana titira. Kaya ang lahat ng mga nandito ay sayo na rin. May mga katulong dito kaya may makakasama ka pag wala ako dito. Tawagin mo lang sila pag may kailangan ka ha ?" sabi nito saka ginulo ang buhok niya

Tahimik lang siyang tumango saka inilibot ulit ang mga tingin niya sa kabuuan ng bahay.

"Dina, ihatid mo na muna si Yulia. Para makapagpahinga."  rinig niyang sabi nito sa babaeng malapit sa kanya.

Tahimik pa rin syang sumunod dito.
Bago siyang tuluyang umakyat ay lumingon siya sa lalaking kumupkop sa kanya at nakitang nakatingin ito sa kanya.
Ngumiti ang lalaki at saka lumakad patalikod papunta sa isang silid.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon