T.H. 13

1.1K 57 2
                                    

Yulia's PoV

Walang katok katok ay binuksan ko ang pinto ng kanyang opisina at mabilis na lumapit sa mesa niya.

Mukha namang nagulat sya sa reaksyon niya at ibinaba yung binabasa niyang dyaryo.

"Hindi mo sinabi sa akin na mga bampira pala ang makakasama ko !" hindi ko mapigilang sabi sa kanya.

Ramdam ko na simula pa lang alam na niya na mga halimaw ang mga yun.
Ang nakakainis hindi niya sinabi sa akin.

"Woooohw. Sandali lang ha. Hindi ka man lang kumatok bago ka pumasok sa opisina ko." mapagbiro pa niyang sabi ngunit inis ko siyang tinignan kaya napabuntong hininga nalang siya.

"Hindi ko akalain na magtatagal pa bago mo malaman ang totoo Yulia." sabi niya naman sa akin at bumalik sa pagbabasa.

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"So alam mo nga ?" tanong ko sa kanya

Saglit niya lang akong tinignan at agad na ibinalik ang mata at atensyon sa binabasa niya.

Hindi makapaniwalang napabuntong hininga ako.

"Ano bang gusto mong mangyari Henri ? Hindi ba't isa kang hunter ? At dapat tinutuligsa ang mga bampirang yun ? Bakit ka pumayag na makatrabaho ko ang mga yun ? Alam mo rin na galit ako sa mga katulad nila. And worst ang pinagawa mo pa ay protektahan ang prinsipe nila" sabi ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil sa inis na nararamdaman ko sa kanila. Alam kong nakakawalang galang to sa kanya pero kilala na niya ako at alam niyang pag sumabog ako wala siyang magagawa.

"Koreksyon lang Yulia. Level D ang mga hinuhuli dito at hindi ang mga nakatataas. Isa sa hindi mo alam ay kumukuha ng mga hunter ang nasa gobyerno para protektahan ang mga pinahahalagahang bampira gaya ng ibinigay sayo." sagot sa akin ni Henri na nananatiling nakatingin pa rin sa dyaryong hawak niya.

"Ano ?!" gulat na tanong ko sa kanya.

At parang may nasabi siyang hindi dapat dahil nagulat din siya sa lumabas sa bibig niya at gustong hilahin ang sarili niyang dila.

"Henri bakit ? Ano bang iniisip mo ?" napaupo nalang ako sa upuan sa harap ng mesa niya sa panghihina sa mga nalalaman ko.

Muli nararamdaman ko na naman ang sumusilip na luha sa aking mga mata. Pero hindi ko dapat ito ipakita sa kanya.

Isa sa pinaka ayoko ay yung nakikita akong umiiyak. Ayoko ng kinakaawaan ako. At ewan ko ba kung bakit hindi ko napigilan nung kaharap ko sina Plato kagabi.

"Ano to pinaglalaruan nyo lang ako ? Pinagmumukhang tanga ? Pinaikot nyo lang ako e. Lahat kayo." sambit ko

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya bago muli syang magsalita.
"Yulia anak, dapat mo nang kalimutan ang nakaraan at mamuhay positively. And also, you have to face your fears." sabi niya

Kay napatingin ako sa kanya ng may halong pagtataka at pagkainis.
"Narinig mo ba ang sinabi mo ? Henri, nandun ka nung gabing pinatay ang mga magulang ko. Magulang ko." pagpunto ko sa kanya.
"Tingin mo ganun nalang kadali yun ? Ha ? Paano ?. At anong takot ang sinasabi mo ? Galit tong nararamdaman ko. Pagkamuhi sa mga lahi ng mga bampirang yan. Hindi takot." sabi ko sa kanya.

At nagkaron ng katahimikan sa buong kwarto. Bago niya basagin.

"Hindi nga ba ?." sambit niya

Tinignan ko sya ng hindi makapaniwala.

"Alamin mo sa sarili mo Yulia." dugtong pa niya

"Kilala ko ang sarili ko Henri. At alam kong hindi takot itong nararamdaman ko. Dahil hindi sila dapat katakutan." sabi ko sa kanya.

Pagkatapos nun ay binigay niya sakin yung binabasa niyang dyaryo.

At tinuro ang headline.

"Sa linggo pupunta tayo sa palasyo para magbantay sa isang malaking pagtitipon. Pagtitipon ng mga kilala at nirerespetong bampira. Mga elitista. At oo kasama ka. Kaya maghanda ka." sabi ni Henri

"Nang aasar ka ba talaga Henri ?" tanong ko sa kanya

"Hindi. Parte ka ng asosasyon na ito kaya gagawin mo ang mga ibinibigay sayo. Diba gusto mo ng misyon ? Ito binibigay na sayo. Isa pa baka makahanap ka pa ng lead papunta sa pumatay sa mga magulang mo dahil may mga traydor dun. At gumawa ng hakbang para magkagulo. Kaya pumunta ka." sabi niya sa akin.

Kaya napaisip ako.

"May punto ka. Pero ito lang ang sinisigurado ko sayo Henri. Pupunta ako dun para maghanap sa pumatay sa mga magulang ko. At hindi para protektahan yang mga tinitingala mong bampira." sabi ko at saka tumayo sa inuupuan ko at lumabas ng opisina niya.

Nasalubong ko naman si Plato pagkasara ko ng pintuan kaya hindi ako nakapagpigil ay agad ko siyang sinugod.

"Simula pa lang dapat sinabi mo na sa akin na mga halimaw pala ang pinapabantayan sa atin !" sambit ko habang sinusuntok siya na nasasalag naman niya.

Gusto kong ilabas ang pagkainis kp sa kanya at alam ko at alam rin niya na sa gamitong paraan ko lang magagawa iyon.

Normal na sa mga nandito ang makita kaming nagsusuntukan kaya parang wala lang sa kanila. Yung iba napapailing nalang.

"Teka. Ouchh. Yulia. Si Henri nagsabi nun. Arayy" sabi niya naman sa akin habang sinasalag ang mga pagtira ko sa kanya pero nakakalusot pa rin ako sa ibang mga pagsalag niya.

Bakulaw ka. Magsama kayo ni Henri.

Inilabas ko ang inis ko sa kanya hanggang sa mapagod ako at kusang huminto sa pagsugod sa kanya.

Tinignan ko lang siya ng masama habang hinihingal.
Maging siya ay halatang napagod din.

"S-sorry (sigh) nha (sigh) hooooooh ! Kapagod (sigh) " sabi niya habang hinahabol ang paghinga niya

Ilang sandali ko pa siyang tinignan ng masama at walang sabi sabi ay tinalikuran ko siya at naglakad palayo sa kanya.

Pero pinigilan pa niya ko at hinawakan sa balikat, "Yulia " sabi pa niya kaya inalis ko ang kamay niya at muli siyang sinugod
"Aww. Sorry na." sabi naman niya sa pagitan ng mga suntok at sipa ko na nasasalag naman niya kaya napahinto ako at muli siyang tinignan ng masama.

"Wag mo kong mayulia yulia jan ha. Galit pa rin ako sayo." sabi ko at tuluyan na syang iniwan.

Dahil ramdam ko isang sorry nalang niya mapapatawad ko agad siya -_-

Ganyan naman sila eh. Alam na ang kahinaan ko. Tsk.


The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon