Yulia's PoV
Isang linggo.
Isang linggo na kong naghahanap ng kasagutan kung saan ang lungga ng mga kampon ni Tedorio pero lagi akong bigo.
Wala akong masabi sa loyalty na ipinapakita sa akin ng mga bampirang nahuhuli ko dahil itinatanggi nila ito kahit na kamatayan ang kapalit.
But tonight.
I'll make sure na makakakuha ako ng impormasyon.
Isinuot ko yung itim na telang tatakip sa mukha ko.
Kapartner ang itim na suit na gamit ko nuong panahong pumupuslit ako sa mga misyon nina Henri at Plato.It's very funny na ginagawa ko ulit yun ngayon.
And thanks to this gloves na nakuha ko kaY Henri at nagamit ko ulit yung mga sandata ko.
Sa tingin ko hindi ko na kelangan ang mga ito pero dadalhin ko na para sigurado.
Alam kong sa ginagawa ko ay parang binubuwis ko ang sarili ko. Pero ito rin naman ang ginagawa ng mga kaibigan ko para maprotektahan ang palasyo kaya wala akong kinatatakutan.
Gusto kong ako mismo ang pumatay sa mga magulang ko at ganun na rin kay Tedorio na puno't dulo ng lahat.
Tinitigan ko ang mga mata ko sa salamin at gayon na rin ang buong repleksyon ng aking katawan.
Malaki ang posibilidad na hindi na ako makabalik sa lugar na ito pagkatapos ng gabing ito.
Pero igagrab ko ang kahit isang porsyento ng pagkakataon magawa ko lang ang dapat kong gawin. Buhay man ang kapalit.Tutal ayaw ko rin naman ng dugong kinabibilangan ko. Haha.
Nang nasatisfy na ako sa sarili ko ay lumabas na ako sa kwarto ko.
Ang alam nila sa dorm ng academy ako nagpapalipas ng gabi.Alibi ko lang yun dahil kung sa mansyon ako matutulog which is hindi pa nangyayari dahil magsheshare daw kami ng kwarto ni Apex, mahihirapan akong lumabas ng walang kasama.
Nagtitip toe akong lumabas ng hall.
May ikinatutuwa ako sa pagiging bampira at yun ay gumagaan ang aking katawan at mabilis na nakakakilos.
Kaya hindi rin ako napapansin ng mga nagbabantay sa entrance ng dorm ko.
Sa gantong oras ng gabi, alas dyes pataas ay wala nang mga taong naglilibot o naggagala sa loob at labas ng academy.
Dahil simula nung natunton ako ng palasyo at pinakilala bilang nawawalang prinsesa ay mas rumami ang nagmamanman na mga masasamang bampira na pumapatay ng tao para pagbantaan ang buhay ko.
And tonight, I will give them what they want.
Base sa mga balitang nakuha ko mula sa headquarters, may isang lugar malapit sa central ang pinagtataguan ng mga mababang uri ng bampira.
At may duda akong ito yung sa bandang maraming puno na papuntang gubat.
Doon ako nagtungo.
Masasabi kong malaking tulong talaga yung mga training na ginagawa ko dahol ramdam ko ang paglakas ng katawan ko.
I should thank the three boys pag nagtagumpay ako ngayong gabi.
Mabilis akong nakaakyat sa isa sa mga puno ng gubat na sa tingin ko ay pinakamataas sa lahat.
Tumingin ako sa buong paligid ng gubat at nagmatyag at nakiramdam kung may signs ng may naninirahan dito sa lugar bukod sa mga mababangis na hayop.
BINABASA MO ANG
The Hunter
VampirosYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...