T.H. 41

1K 49 11
                                    


Dahil malakas ka sakin LadyRed_01 haha
At free ang time ko now. Agad agarin natin ;)










Light's PoV

Aliw na aliw kong pinanunuod sina Alex at Hunter sa kanilang paglalaban sa training hall.

Kitang kitang nakalalamang sa pakikipaglaban si Hunter at dahil dun ay mukhang naiinis na si Alex.

Sa bawat suntok na pinakakawalan ni Hunter walang ginawa si Alex kundi ang ilagan lang ito o kaya ay ipangsalag ang sarili.

Madami na rin akong nakikitang dugo na dumadaloy sa katawan niya samantalang si Hunter ay puro daplis lang ang mayroon sa mga braso.

Sa tatlong buwan na pagsasanay nila ganito na agad ang natamo niyang pagbabago.

Hindi nga ako nagkamali sa pagpili sa kanya.

"Sige tama na yan !" sigaw ko sa kanilang dalawa na agad nilang ikinatigil

"Ikaw na sana ang susugurin ko kung hindi mo pa sinabi yan." inis na sabi sa akin ni Alex saka pinunasan ang dugong sumisilip sa kanyang labi gamit ang kanyang hinlalaki

Agad naman siyang nilapitan ng mga healer at pinagaling ang mga sugat niya. Ganun na rin kay Hunter.

"You did very well Hunter. Maaari ka nang magpahinga" pagpupuri ko sa kanya

Yumuko naman siya sa akin bilang tugon kasabay ang pagpapasalamat at saka umalis
"Salamat master."

"How are you ?" tanong ko sa kanya

"Go to hell." inis na sagot naman niya sa akin kaya hindi ko napigilang matawa

"Dapat matuwa ka kasi ikaw ang naging mentor niya at ikaw ang naging dahilan para lumabas ang natatago niyang lakas hindi ba ?" sabi ko sa kanya

"And thanks to you kasi kahit na alam mo na kung gano siya kalakas ipinagpilitan mo pa rin na maglaban kami. Huh" she said then smirk sarcastically.

"Pero may napansin ko." dugtong naman niya na ikinatuon ko ng atensyon sa kanya

"Sa ganung kondisyon niya parang hindi pa iyon yung pinamalakas niya eh. Pakiramdam ko may natatago pa siya." dagdag niya

"Anong ibig mong sabihin ?" tanong ko sa kanya

"It's  her eyes. Hindi pa nagiging pula." sagot niya

At dahil dun mas lalo akong naamaze.

That girl is incredible.

Kaya pala ganun nalang kagrabeng pagpupursigi ng mga bampira ang hanapin siya.

But I wonder kung ganun rin ba ang tinatago ni Apex ?

"Ano nang plano mo ngayon ?" tanong naman sakin ni Alex

"Panahon na para siya naman ang magturo sa mga alagad natin. At pagkatapos nun magpaparamdam na ulit tayo sa mga Nakaupong Laxima." sagot ko sa kanya

Simula kasi nung napasakamay namin ang kanilang prinsesa ay pinatigil ni ama ang pagpapalabas ng mga bampira namin. Para daw walang lumabas na impormasyon ang mga kalaban kung saan ang aming lugar.

Marahil ay nagtataka na sila kung bakit walang nangyayaring krimen sa mga nagdaang buwan. O kung hindi man,  naiinis na dahil walang mapagkunan ng impormasyon.

Pati kasi ang pagpapalitan namin ng komunikasyon sa kanilang palasyo ay ipinatigil na muna ni ama.

"Mabuti naman. Pero kung ako sayo hindi ko hahayaang magkrus ang landas nilang dalawa ni Apex." sabi niya

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon