Lean's PoV
"Inumin mo na yan. Mas masarap ang tsaa pag mainit." sabi ni Angelina pagkatapos niya akong salinan sa cup ko.
"Salamat." sagot ko naman sa kanya at saka tinikman yung hinanda niya
Naabutan ko lang siya dito sa garden kanina na nakaupo.
Pumunta sana ako dito para tumugtog ng flute at magpahangin pero nandito siya at magisang nakaupo. Kaya naisipan kong samahan nalang muna siya.
"Matagal na rin natin tong hindi nagawa Lean. Nakakamiss din yung mga ginagawa mong cheesecake." pagsasalita niya
"Namiss ko rin tong tsaa mo." sagot ko naman
Simula kasi nang magdeklara si Leo ay naging abala na ang lahat dito sa palasyo.
Maging kaming dalawa ni Angelina ay bihira na magkita kahit na nasa iisa lang kaming lugar."Kumusta na si Apex ?" pagtatanong ko naman sa kanya
"Well, tuwing tinatanong ko siya kung kamusta sya sinasabi niyang ok lang siya. Pero alam mo naman tayong mga nanay, nararamdaman natin yung mga dinadala nila. Pakiramdam ko sinisisi niya yung sarili niya sa biglaang pagkawala ni Ariya." pagkukuwento naman niya
Hinawakan ko naman yung kamay niya,
"May maitutulong ba ko para hindi niya maisip yun ?" tanong ko
Umiling naman siya at ngumiti,
"It's okay. Alam kong kaya niya yung malagpasan." sabi niya pa
Tinanggal ko na ang kamay ko at saka humigop ulit ng tsaa.
I was about to say something nang biglang may kung ano akong naramdaman at nabitawan ko ang cup nahawak ko.
Third person's PoV
Nagulat ang reyna sa pagkakabitaw ni lady Lean sa hawak nyang tasa
Pero nung nakita niyang umiilaw ang mga mata nito ay naintidihan niya kung bakit.
Agad niyang kinuha ang papel at panulat sa bulsa nito.
Alam kasi nilang pareho na importanteng nasa katawan nito lagi ang mga ito dahil sa taglay niyang kapangyarihan.
She's having a vision.
A vision either in the past or future.
Bigla bigla nalang itong nangyayari sa kanya at hindi nila alam ang eksaktong oras kung kelan may magpapakita sa kanya at kung gano kahaba ang makikita niya o kung ano ang ipapakita sa kanya.
At ngayon, umaasa sila na may kinalaman ito sa pagkakatagpo kay Yulia.
Ginamit ni Angelina ang bond niya sa hari para ipaalam dito na nagvivisualize si Lean at iparating ito kay Ime at sa council.
Samantala,
Hindi naman maintindihan ni Lean kung anong nakikita niya dahil malabo ito sa paningin niya at madilim.Pero maya maya ay unti unti na niyang napagtatanto kung ano ang ipinapakita sa kanya
Maraming katawang duguan,
Maraming puno
Isang nilalang na nakacloak at nakatago sa dilim.
BINABASA MO ANG
The Hunter
VampireYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...