T.H. 56

649 29 6
                                    


Elise's PoV

"Ano ?" kusang lumabas sa aking mga bibig


Hindi ko alam kung nabingi ako, nagbibiro sya o namali sya ng sabi e.



"Narinig nyo sinabi ko. Buntis si Ariya. Buntis ang prinsesa. May bata sa tyan niya. Ano pa bang mga salita ang magpapaintindi sa inyo ?" paglilinaw niya



Lahat kami ay natigilan at iisa lang ang reaksyon.

Tumingin naman ako kay Fiona.
"Totoo ba ? Sagutin mo kami." pagtatanong ko sa kanya


At dahan dahan syang tumango na parang ayaw nya pang gawin


"Fiona ? Bakit di mo sinabi samin ?" tanong naman sa kanya ni Cyrus

"Ayaw niyang ipasabi. Sinabihan nya kong ilihim muna namin hanggang sa handa na siyang sabihin sa palasyo. Ano namang karapatan kong pangunahan sya ?" sagot niya

Napabuntong hininga naman ako.

Kahit kailan ang tigas talaga ng ulo ng babaeng yun.


Wait,

" alam ba to ni Apex ?" tanong ko sa kanya

Umiling sya.


Aishh. Kelan naman kaya niya balak sabihin samin to ?

"At ang selan pa ng pagbubuntis nya dahil hindi niya pwedeng gamitin ang kapangyarihan niya. Kaya binigay ko sa kanya yung bracelet na gawa ni Hannasse para di niya magamit ang kapangyarihan niya."
pagkukwento ni Fiona

"Ano ?! Eh hinahabol niya si Misha ah ?!" pasigaw na sabi Shandra


Oh no.

"Kaya nga dalian na nating hanapin sila dahil hindi lang si Yulia ang mapapahamak." sabi ni Fiona na mangiyak ngiyak na sa pag aalala

"Let's go." sabi naman ni Quantum at pinangunahan kaming tumakbo









Yulia's Pov

Sa hinaba haba ng takbo ko ay di ko na namalayang napadpad ako sa isang gubat.

Alam niyang sinusundan ko sya.


At sigurado akong nandito lang sya sa paligid ko dahil hindi na gumalaw ang amoy niya.

Inihanda ko ang aking palaso at pinakiramdaman ang paligid.

"Napakahangal ng kanilang prinsesa at sya mismo ang pumunta sa kanyang huling hantungan." narinig kong sabi niya


Napangisi ako

"Sino bang may sabing ito na ang huling hantungan ko ?" sagot ko

Sa lugar namin ngayon, maliit lang ang tyansa niyang magamit ang kapangyarihan niya dahil hindi naman ganun kaliwanag dito . Kelangang ko lang humanap ng magandang pwesto at pakiramdaman kung saan naman siya nakapwesto.



Narinig ko naman ang kanyang pagtawa.
"Napakalakas din ng tiwala mo sa sarili. Hindi ko alam kung anong nakita sayo ni Apex at ginagawa niya ang mga bagay na yun." sabi niya na may halong kabitteran

Tsss. Napaka inggetera.

Kung alam mo lang na ginagawa niya lang yun para sa atensyon. Tsk.


"Pero wag kang ilusyonada dahil ginawa niya rin ang mga yun kay Kim." dugtong pa niya


Alam ko.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon