T.H. 28

1.1K 49 0
                                    








Yulia's PoV


"Nakuha na ng mga kalaban ang kwintas." bungad sa amin ni Ime nung makumpleto kami sa opisina ng hari.

Kumpleto ang star five,  ganun na rin ang mga protectors ko.
Nandito ang mga magulang ni Apex, ang hari at reyna,  ganun na rin ang mga magulang ko ay narito. Maging si Kim.

Saglit na namayani ang katahimikan sa kwarto.

"Kaninong bato ang nakuha ?" tanong ni Queen Angelina

Tumingin naman sa akin si Ime kaya nakuha nila ang ibig sabihin niya.

Napayuko naman ako.

"Sorry.  Kasalanan ko po." sabi ko sa kanila

Naramdaman ko naman ang paghagod ng kamay sa likod ko.

"Shhhh.  Hindi mo kasalanan anak.  Iniligtas mo lamang ang mga kaibigan mo."  pang aalo sakin ni mama

But still,  hindi ko iyon nagawa ng maayos. Kaya nagkakaproblema ang palasyo ngayon.

"Kelangan kumilos na tayo bago pa tayo maunahan ni Tedorio sa kung ano mang binabalak niya laban sa atin.  Alam nyo naman na ganid sa kapangyarihan ang kapatid ko. Baka malagay pa sa kapahamakan ang prinsesa." sabi naman ng hari.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak sa akin ni mama kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi naman po namin hahayaan yun eh." sabi ni Elise na sinigundahan naman ng iba pa naming kasama including my protectors.


"Hindi nyo pa nga kilala si Tedorio mga bata." pag singit ni Ime.  Umiiling iling pa siya

Kaya napatingin kami sa kanya


"Malakas rin ang kapangyarihan niya dahil sya nga ang panganay na kapatid ng hari.  Walang nagawa ang angkan ng mga Kigore na kilalang protectors ng palasyo sa mahabang panahon. Masasabi kong sinuwerte lang kami sa pagkakaligtas sa nakaraan. Pero ang mga batang pinagkasunduan ng dating hari at ang pinakamalakas sa angkan ng Kigore ay magiging susi sa pagkakatalo ni Tedorio ayon sa propesiya dahil taglay nila ang pinagsamang dugo ng mga ito. At iyon na nga sina Ariya at Apex."  pagpapaliwanag ni papa sa amin

"At dahil nalaman na nga ito ni Tedorio kaya hanggang ngayon ay inaasam niyang mapatay sina Ariya at Apex." dagdag pa ng hari

"At magandang balita na rin na nasa atin na ang prinsesa, mapoprotektahan na natin siya sa mga kamay ni Tedorio, pero kasabay nun ang kapahamakan dahil naidentify na ang kanyang pagkatao." sabi naman ni Queen Angelina


"At nagusap usap na ang buong council tungkol sa mga paraan sa pagpoprotekta sa kanila." sabi ni papa

Hinintay pa namin kung anong susunod niyang sasabihin pero ang hari na ang nagpatuloy nito





"Sa susunod na linggo gaganapin ang seremonya para sa kasal nina Ariya at Apex."










....




..



..

Teka,

..


Tama ba ang rinig ko ?



"K-kasal ?"  paguulit ko at pagsisigurado na rin

Baka kasi namali lang ako ng rinig,


Tinignan ko pa si mama pero nakangiti lang ito sa akin


The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon