Yulia's PoV
Nagising ako na basang basa sa sarili kong pawis.
Kahit habol ang hininga ay nagawa ko pa rin ang ilibot ang aking mga mata kaya napagtanto kong nandito ako sa kwarto ko sa palasyo.
Nasa palasyo na ko.
Sinubukan kong tumayo pero nakaramdam ako ng hilo at biglaang pagsakit ng aking ulo kaya naupo nalang ako saglit sa aking kama.
"Yulia !"
Napalingon ako sa may pintuan nung narinig ko ang boses niya.
Dali daling lumapit sa akin si Fiona at agad akong niyakap
"Maayos na po ba ang pakiramdam mo ?" may halong pagaalalang tanong niya sa akin
"Oo, nabigla lang siguro ako kanina nung pagtayo ko kaya nakaramdam ako ng hilo" sagot ko naman sa kanya
"Mabuti naman po kung ganun. Maya maya lang ay nandito na ang iyong ina at ama para dalawin ka. Pati na rin po si Hanasse na nagalis ng spell sa iyo"
"Spell ?" tanong ko
"Spell na nilagay sa kwintas mo prinsesa"
Napalingon ako sa matandang babae na nasa pintuan ngayon na sumagot sa tanong koSinundan naman ito ng pagpasok ni Ime at ng mga magulang ko
"Ariya, anak" sambit ng aking ina habang papalapit sa akin at agad akong niyakap
"Nilagay ito sa iyo nina Tedorio para mas mapalakas ang pagkawala ng iyong alaala na kapag tinanggal ang kwintas sa iyong leeg ay kasamang mawawala ang iyong buhay kapag tinanggal ito ng basta basta." pagpapaliwanag sa akin nung matandang babae na ngayon ko lang nakita
Kaya pala.
Mga walang hiya sila, ginamit nila ko para kalabanin ang mga Laxima,
Ang pinaka di ko matanggap ay nagpagamit ako sa lalaking pumatay sa mga kinalakihan kong magulang.
"Siya si Hanasse, Ariya." sabi sa akin ni Ime
"Ang kaibigan ko, galing sa lahi ng mga witch." dagdag pa niya
Yumuko naman ako sa kanya para ipakita ko sa kanya ang aking paggalang.
Bakit may witch ng kasama dito ?
I mean, wala akong problema sa kanila pero sa tingin ko ang problema namin ay sakop lang ng mga bampira, baka lang kasi madamay siya.
"Tingin ko kelangan mo munang magpahinga Prinsesa. Para sayo at sa isa pa." sabi naman ni Hanasse sakin na may paghawak pa sa aking kamay
Anong sa isa pa ?
Pero hindi na nasagot ang katanungan sa aking isip dahil sunod sunod na silang nagsialisan sa kwarto ko.
Si dad at mom naman ay hinalikan pa ko sa noo saka ako nginitian bago pa tuluyang lumabas ng kwarto ko.
At ang tanging natira na lang dito ay si Fiona,
"May nangyari ba ? Anong ibig niyang sabihin dun ?" tanong ko sa kanyaUmiling naman si Fiona, "pasensya na wala din akong alam sa sinabi niya. Pero kasi narinig ko lang, ganun lang daw talaga siya, kung ano ano sinasabi kaya wag nyo nalang pong pansinin." sagot naman sa akin ni Fiona

BINABASA MO ANG
The Hunter
VampireYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...