T.H. 2

1.9K 97 0
                                    

Yulia's POV

Humihingal akong nahinto sa isang puno dito at nagtago.

Takteng bampira yun anlakas makailag !

Buti nalang at hindi ordinaryong baril tong binigay sa akin ni Henri at hindi maubus ubusan ng bala.

Simula kasi ng pumasok ako sa headquarters nila ay binigyan niya ako ng isang baril at isang humahabang baston na ginawa para pumatay ng kahit anong uri ng bampira.
For self defense daw sabi pa niya.

Lagi kong dala ang mga ngayon lalo na kapag pumupuslit ako sa mga mission nila.
Itinatago ko yung baston sa may hita ko at yung baril naman ay nasa bewang ko.

Nakiramdam ako sa aking paligid at nakaramdam ng presensya ng isang tao.

Kinapa ko ang baril na nakasabit sa bewang ko.

Anlakas rin ng loob niyang lumapit sa akin ha.

Hinugot ko ang baril at lumabas sa tinataguan kong puno.
At tama nga ang pakiramdam ko.

Isang bampirang tila naglalaway ang bumungad sa akin.

Kung inosenteng tao ang makakakuta rito ay tiyak na tatakbo na ito sa takot.
Pero dahil sa sanay na akong makakita ng tulad niya ay natatawa tawa ko nalang itong tinignan.

Nang gigigil ako kapag nakakakita ako ng bampira dahil naaalala ko ang pangyayaring yun.
Ang nakaraang ni minsan di sumagi sa isip ko na mangyayari yun.

Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay itinutok ko ang baril sa kanya at inihanda ang aking mga daliri sa pagkalabit dito.

Pero bago ko pa makalabit ay nakarinig na ako ng tunog ng isang pinaputok na bala.

Nagulat ako ng biglang natumba yung bampirang tinututukan ko ng baril kanina.

Huh ?

Pero mas nagulat ako kung sino ang bumaril sa kanya.

Paktay !
Si Henri !

Tumalikod ako at tatakbo na sana ng bigla siyang nagsalita.
"Wag kang tatakbo ! Kundi babarilin kita !"
T-T

Wala akong nagawa kundi ang tumigil sa kinatatayuan ko.

Napabuntong hininga nalang akong itinaas ang mga kamay ko.

"Harap dito" sabi pa niya.

Humarap ako sa kanya at nakita ang nakangisi niyang mga labi.

Napapamura ako sa aking isipan ngayon.

Arghh.

"Alisin mo yang harang sa labi mo." sabi pa niya.

Hindi ako kumibo.

Katapusan ko na ba ?
Huhuhu

Nagulat naman ako ng muli siyang nagsalita.

Nararamdaman ko na ang pagtulo ng mga pawis ko sa aking pisngi.
"Aalisin mo o ako mismo ang mag aalis ?" sabi niya

In defeat wala akong nagawa kundi ang alisin ang itim na telang nagtatakip sa ilong at labi ko.

-------------

Nandito kami sa headquarters ngayon specifically sa kwarto ni Henri.

Akala ko ay paparusahan niya ako, igagrounded o kung ano mang ginagawa ng magulang kapag nahuhuling may ginagawang kalokohan ang ang kailang mga anak.

Akala ko ay magugulat siya sa pagkakakita sa akin kanina
Pero tumawa lang siya at parang inaasar ako na hindi daw ako marunong magtago.

Seriously ?

Matino pa ba tong taong to ?

"Magaling ka ring bata ka ha ?" sabi niya sa akin.
Ako naman ay nakayuko na nakaupo sa harap ng table niya

Pagalitan na nya ako kung paoagalitan.
Para matapos na ito. Tsk tsk

"At bilang parusa sa kalapastanganang ginawa mo."
Lihim na napataas naman ang kilay ko sa pinagsasabi niya.
Pero nanatili pa rin akong nakayuko.

Ganto ba talaga siyang magalit ?
Nagtatalinghaga.

Gusto ko sanang matawa kaya lang baka mas bumigat ang parusa ko eh.

"Ipapadala kita sa isang mission."

Otomatiko namang napaangat ang ulo ko at tumingin sa kanya.

Di ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Seryoso ka Henri ?" tanong ko sa kanya mahahalata pa sa boses ko na hindi ako naniniwala sa sinabi niya.

"Oo bakit ?" Balik namang tanong niya sa akin.

"Eh kasi, bakit all of a sudden ipapadala mo ako sa mission na dating ayaw mong gawin ko ?" sabi ko sa kanya.

Baka jinojoke time na naman ako ng matandang to e.

Nanahimik naman siya.
Kinuha ko na ang pagkakataon na yun para makapagsalita ulit
"Sige na parusahan nyu na ako." sabi ko naman

Pero imbis na sumagot ay tunawa siya

Taka na naman akong napatingin sa kanya.

Naramdaman naman niya na hindi ako natatawa sa ginawa niya at seryoso akong nakatingin sa kanya kaya umayos siya sa pagkakaupo niya at tumikhim.
"Ahemm. Kung gusto kitang parusahan sana matagal ko nang ginawa." sabi niya naman.

"Anong ibig mong sabihin ?" tanong ko sa kanya.

"Yulia anak, una pa lang alam ko na ang ginagawa mo. Sinasabi sa akin lahat ni Plato ang mga pinaplano mo." mahinahong sabi naman niya sa akin.
Ano ?!

All this time...

Tskkk.

Walangya talagang Plato yan o !

"So sa bawat pagtatago ko alam nyo ang lahat ?" tanong ko sa kanya

Matawa tawa naman siyang tumango.

"Tsk ! Henri naman e ! Sana sinabi nyo nalang na alam nyo hindi yung nagtatago pa ko " naiinis kong sabi sa kanya.

Kaya pala parang hindi nakarating sa kanya kasi umaakting lang siya. Sila !

Arghhh.

Medyo nakakainis.

"Pero hindi mo binabawi yung sinabi mo na ipapadala mo ko sa isang mission ?" Excited na sabi ko sa kanya.

Yeess !

It's my first ever official mission !

"Oo pero sa isang kondisyon."
nawala naman ang ngiti ko sa sinabi ni Henri.

"Kasama sa mission mo si Plato at lilipat kayo ng paaralan para protektahan ang school na yun at ang 5 star." pagtutuloy niya.

Ano ?!

"Bakit si Plato pa ?" sabi ko naman sa kanya

"At bakit hindi ?"

Napairap ako sa taong nakisabat sa usapan naming mag ama.

"Yulia, Plato is the leading team captain sa buong headquarter at kelangan ko siya para mabantayan ka rin." sabi naman ni Henri

Taas noo namang tumango tango si Plato sa sinabi niya.
Tsk kaya lumalaki ulo nitong lalaking to e.

"Ano ? Bakit pati ako ay kelangan pang bantayan ? E di parang hindi ko rin maeenjoy yung mission ko." sabi ko naman sa kanya.

Kasi naman e bakit kelangan may paepal pa -__-

"Gusto mo ayaw mo ? Sabihin mo lang Yulia. Madali naman akong kausap." sabi sa akin ni Henri.

Binelatan naman ako ni Plato.

Asal Bata -___-

"Sige na sige. Papayag na ko." sabi ko sa kanila na ikinangiti naman ng dalawa

Hayy naku.

At least may unang mission na ako :D

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon