Yulia's PoV
Sa bahay muna ako ni Henri dumiretso matapos ang mga klase ko sa Academy.
Nagpaalam ako na kukunin ko muna yung mga naiwang gamit ko sa kwarto ko.
Nandito pa kasi yung iba kong uniform at iba pang gamit sa school.
"Oh, iha. Napadaan ka." sabi sa akin ni manang pagkakita sa akin.
"Kukunin ko lang ho yung mga naiwan kong mga gamit. Hmm. Si Henri po ba nasaan ?" tanong ko sa kanya
"Eh, nakita ko siya sa hardin kanina. Ewan ko lang kung nasaan siya ngayon. Sige iha. May aasikasuhin pa kasi ako e." sabi naman niya sa akin at tinapik pa ang balikat ko bago pumunta kung saan man siya tutungo.
Ako naman ay nagpunta na sa kwarto ko.
Hayyy. Ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang pagtakwil sa akin ni Henri at pumayag na sa palasyo ako manatili. Na hindi ko alam kung pansamatala o permanente na.
Napatingin ako sa aking kama at napagpasyahan munang mahiga.
Naramdaman ko naman ang pagod sa aking katawan pagkalapat nito sa kama.
Hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako nang mag aalas syete na ng gabi. Ayaw ko pa sanang tumayo dahil napasarap ang tulog ko ngunit kelangan kong pilitin dahil baka hanapin na ako sa palasyo ng inyong mahal na prinsipe.
Aishh. Mas maganda sana kung forever na akong nandito sa kwarto ko mag isa at hindi ma kelangang pilitin ang sarili ko na makipag interact sa mga nilalang na hindi ko gusto.
Pero dahil napasubo na ko sa sitwasyong ito ay pinili ko nang tumayo at kunin na yung ipinunta ko sa lugar na ito.Pagkasara ko naman ng pinto ng kwarto ko ay narinig ko ang pagbati ni Plato kay manang.
Tssss.
Makikikain na naman to.
Bumaba ako para tignan na rin kung nandito na si Henri.
At sakto namang kakapasok lang rin niya sa pinto.
"Yulia anak. Napadaan ka." pagbati naman niya sa akin saka aktong yayakapin ako pero pinigilan ko siya.
I know i'm so cold towards him despite na marami siyang naitulong but alam naman niyang pinapahalagahan ko siya.
"Dumaan lang ako para kunin tong mga to." sabi ko at itinaas yung mga dala ko.
"Aa. Sige ingat ka." sabi niya saka tinapik nalang ako sa balikat at umakyat sa kwarto niya.
Naisipan ko namang sumabay nalang muna kay Plato kumain kaya nagpunta muna ako sa kusina.
"O nandito ka pa pala ?" bati niya sa akin ng makita ako.
Sabi na nga ba pagkain na naman pinunta nito e."Napasarap ang tulog ko eh. Syempre di ko namalayan ang oras. Ikaw ? Uubusin mo na naman ang pagkain ni Henri sa ref ?" sabi ko naman sa kanya saka nagpunta sa ref.
Hmmm, cake, pasta, aha. !
Pizza my loves mwuaahh !
Kinuha ko ito at saka inilagay sa oven para initin.
"Alam naman niya e. Nagpaalam ako." sabi niya habang ngumunguya nguya pa.
Tsss. Matakaw.
Nung tumunog na yung microwave ay agad ko itong binuksan at inilagay sa plato yung apat na slice na pizza. Saka umupo sa tapat ni Plato na masayang kumakain.
BINABASA MO ANG
The Hunter
VampirosYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...