Yulia's pov
"Ariya !" mahinhing sabi ng magandang babae sa batang naglalaro sa ilalim ng puno
Nakita kong napatingin ang batang babae sa kanya at ngumiti.
"Mama !" sabi ng batang babae at tumakbo naman ito papalapit sa kanyang mama
Inilibot ko ang aking paningin na napansing hindi pamilyar sa akin ang lugar na kinaroroonan ko ngayon.
Isang napakagandang hardin sa likod ng isang napakalaking palasyo.
Marami akong magagandang rosas na nakikita na iba't ibang kulay.Napatingin ako sa mag ina kanina nung narinig kong umiyak yung batang babae.
Marahil ay nadapa dahil may sugat na ito sa kanyang tuhod.
Nilapitan naman siya ng kanyang ina at sinubukan siyang patahanin gamit ang isang kanta
"Pain pain go away." sambit ng ina sa bata sa tono ng rain rain go away at hinipan yung sugat nung bata.Bigla naman akong nakaramdam ng pagkirot sa aking dibdib kaya napaupo ako sa damuhan.
Pakiramdam ko ay naninikip ang aking dibidib at nahihirapan akong huminga.
B-bakit. Hindi ko naaalala na may sakit ako sa puso.
Napasigaw ako ng maramdamang mas lalong sumakit ang aking dibdib.
Saka nandilim ang aking paningin.--
Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga.
Habol hininga akong napaupo sa kama na hindi ko alam kung kanino.
Panaginip.
Kinapa ko yung dibdib ko at naramdaman na naging normal na ang pagtibok ng puso ko.
"Kaninong kwarto to ?" nasambit ko nang mapansing hindi pamilyar ang kinaroroonan ko ngayon.
Naramdaman ko naman na medyo kumirot yung hita ko kaya kinapa ko ito at tinignan.
May bandage.
Naaalala ko naman ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay.
O_O
Si Apex !
Tumayo ako at nagmamadaling lumabas ng kwartong ito para malaman kung okay lang ba yung lalaking pinapabantauan sa akin ni Henri.
Dahil sa nakalaban ko ay nawala ang atensyon ko sa lalaking yun.
Malalagot ako kapag may masamang nangyari dun. Arghhh.
"Yulia." rinig kong tawag sa akin ni Plato kaya napatigil ako sa pagtakbo at lumingon sa kinaroroonan nya
Hinihingal akong lumapit sa kanya.
"Nasan si Apex ?" tanong ko kay Plato na nakakunot ang noo. Marahil ay nagtataka siya kung bakit ako tumatakbo sa pasilyo.
I need to know kung ok lang siya.
At sana nga ok lang siya."At bakit mo naman ako hinahanap ?" rinig ko mula sa likod ko
I feel relieved nung nakita kong nakatayo siya nung humarap ako sa kanya.
Kahit pa mukha siyang masungit ngayon ay wala akong pakialam.It's like natanggal yung mga bato sa akin dibdib at gumaan.
Parang wala sa sarili akong lumapit sa kanya.
Nagulat siya nung hinawakan ko ang kanyang mga pisngi."Salamat naman" mahina kong sabi at pinakiramdaman ko pa siyang mabuti napapikit pako sa sobrang tuwa.
"Get a room" narinig ko namang sabi nung lalaki sa likod ko. Narinig ko naman ang paglakad niya papasok sa kwarto niya.

BINABASA MO ANG
The Hunter
VampireYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...