T.H. 4

1.4K 78 0
                                    

(A/N: Hi ! May I dedicate this chapter to erika18s ? :) Salamat po sa votes. )


Yulia's

Kasalukuyan akong nasa tuktok ng isang building ng Academy at nagmamasid sa madilim na paligid nito.

Ikasampo na ng gabi kaya tahimik na ang buong lugar.
May curfew kasi dito ang mga studyante na kapag 10 pm na ay dapat wala ng nasa labas.

Hayy.

Asan kaya si Plato.
Hindi ko pa kasi siya nakikita magmula nung magumpisa akong magduty.

Naramdaman ko ang pag ihip ng hangin.

Kasabay nun ang kakaibang pakiramdam na bumalot sa aking katawan.

Napansin ko sa mga punong nakapalibot sa mga building ng academy ang paggalaw ng tila isang nilalang.

I narrowed my eyes to see it clearly at nung mapansin kong gumalaw ang anino nito ay agad akong tumalon mula sa kinaroroonan ko.

Pinakiramdaman kong maigi ang paligid at tinatantya kung saan naroroon ang nakita ko kanina.

Hindi kaya eto na yung sinasabing umaaligid ni Henri ?

Naglakad ako dahan dahan papasok sa lugar na maraming puno.

Nagulat ako nang may humila sa akin tinakpan ang bibig ko.
Dinala ako at itinago sa isang puno.

"Shhh. Yulia." mahinang tinig ni Plato.

Tinanggal na niya ang kamay na ipinangtakip sa bibig ko kanina.

Nilingon ko siya.
"Nakita mo rin ?" tanong ko sa kanya at agad naman itong tumango saka nagpatuloy sa pagmamatyag sa paligid.

Nagpatuloy na rin ako sa pagtingin tingin sa paligid at nung nakita ko ang isang rebulto ay agad akong tumakbo at nilapitan ito.
Binunot ko ang baril na nakatago sa ilalim ng aking palda at itinutok sa taong nababalot ng itim na tela at nakatalikod ito sa akin.

"Sino ka !" sabi ko saka kinasa ang hawak kong baril.

Itinaas niya ang dalawang kamay ngunit nanatili pa ring nakatalikod.

"Harap !" sabi ko sa kanya at dahan dahan naman itong sumunod sa pinapagawa ko.

Balot ang buo niyang ulo ng itim na tela at bandang mata lang ang makikita sa kanya.

Napadako naman ang mata ko sa mga mata niya at nagulat ng makitang kulay pula ito.

Bampira

Agad kong kinalabit ang hawak kong baril ngunit mabilis itong nakaiwas.

Mukhang mataas ang class ng isang to.

"Yulia !" narinig ko namang sigaw ni Plato na ngayon ay ramdam kong papalapit sa akin.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko at sinusuri kung anong klaseng bampira to.

"Class C." rinig kong sabi ni Plato ng makalapit sa tabi ko.

Not that bad.
Utak ang kailangan para malabanan ang nga ito.
Pero kelangan pa rin ng kasamang ingat dahil sa taglay nilang special abilities.
At sa kaharap namin ngayon, bukod sa speed ay hindi ko alam kung may iba pa syang taglay.

Muli kong itinutok sa kanya ang baril na hawak ko.

Hindi ko inaakala na sa unang gabi pa lang ng duty ko dito sa academy ay makakaharap agad ako ng gantong klaseng bampira.

Hindi ako nagpakita ng kahit ano mang bahid ng takot.
Maaari nitong gamitin ng kalaban sabi ni Henri.
Kaya personal niya akong tinrain para itago ang aking emosyon.

"Anong kailangan mo dito ?" tanong ko sa kanya.

"Ano ka ba Yulia ? Para namang sasagot yan. engot" sabat naman ni Plato.

Tse !

Feel ko lang magtanong para mafeel ko rin yung mission ko haha.
Mala Angelina Jolie lang ang peg.

Sa isang iglap nawala siya sa harapan ko at napunta sa likod ko.

Ramdam ko ang pagamoy niya sa mga buhok ko.
Pero hindi ko na sinayang ang segundo kaya siniko ko siya patalikod at agad na humarap sa kanya.

Naramdaman ko naman ang pagkilos ni Plato patungo sa likod ng bampira.

Mabilis ang kalaban kaya dapat tapatan rin ng bilis.
At hanggat maaari sana ay hindi namin siya mapatay dahil maaari kaming makakuha ng impormasyon sa kanya.
Nararamdaman ko na ang pamilyar na pakiramdam tuwing may nakakaharap akong bampira.
Galit.
At ang pagnanais na maiganti ang aking mga yumaong magulang.
Sinubukan kong muling patamaan siya ng bala ngunit muli na naman siyang nakaiwas at agad na lumapit sa akin.
Hinila niya ang braso kong may hawak ng baril ay sinubukang alisin ito sa pagkakahawak ko.
Hindi ko hinayaan na makuha niya ito kaya tinuhod ko siya at natamaan siya.
Hindi rin naman siya tatablan pag nahawakan niya ito dahil nakagloves siya.

Tila namang nagalit siya sa ginawa ko at gigil na gigil akong sinakal.

"Aaaccckkk !"
impit ko sa sakit kaya nabitawan ko ang hawak kong baril at napahawak sa mga kamay niya.
Halos hindi na ako makahinga ng bigla niya akong bitawan at nung nakita ko ay namimilipit na siya sa di malamang dahilan.

Ilang sandali naman ay unti unti na siyamg naging abo at inililipad na ng hangin.
Doon ko nalaman na si Plato pala ang may kagagawan non.
Nakatutok na kasi sa akin ang hawak nyang baril na ngayon ay ibinaba na niya.

Habol hininga akong napaupo at uubo ubo habang hinihimas ang aking leeg.

Takteng nilalang yun !
Ang sakit >_<

Lumapit sa akin si Plato at hinimas himas ang likod ko.

"Masakit ?" tanong niya

Dahil dun ay tinignan ko siya ng masama.

"Ikaw kaya sakalin ko at panggigilan para malaman mo pakiramdam ?! Natural ! Halos mamatay na ako sa bagal mong kumilos ! Engot" sigaw ko sa kanya.

Kakaiba talagang mag isip tong lalaking to.
Tsk.

"Pano kasi, sugod ka ng sugod. Pinag isipan ko kasi muna kung anong pag atake ang gagawin ko e ikaw sige sige lang." balik niya naman sa akin.

"So pinain mo ako ganun ?" tanong ko sa kanya.

"Konti." sagot niya sa akin.

"Huh. Salamat ha." sarkastiko kong sabi sa kanya.

Nung omokay okay na yung pakiramdam ko sa leeg ko at nakakahinga na ako ng maayos ay tumayo na ako at saka ipinagpag ang palda ko.

"San ka pupunta ?" tanong niya sa akin.

Humarap ako sa kanya
"Matutulog na. Unang araw ng klase natin bukas." sabi ko

Wala na naman sigurong magtatangkang pumasok muli sa academy.

Ayoko ring malate at matulog sa klase kaya dapat makabawi ako ng tulog kahit konti.

Napatingin naman ako sa may building ng dorm nila Plato dahil parang nakaramdam ako na may nakatingin sa akin pero wala namang kakaiba nung inilibot ko.

Iiling iling naman akong nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa dorm ko.

Tsk tsk.

Grabe nakakapuyat naman tong binigay ni Henri.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon