T.H. 43

1K 47 2
                                    

Hunter's PoV

"It's your time to use your strength." sabi sa akin ni master Light

Yumuko ako sa kanya at saka pinangunahan ang mga bampirang kating kati na na makalabas uli ng palasyo.

I know this time bantay sarado na ang mga alagad ng mga Laxima sa mga bayang nakapalibot sa kanilang palasyo dahil sa sunod sunod na pagkawala ng mga dalagang birhen sa lugar.

At ngayon ang panahon ko para magpakita sa kanila.

Hindi naman sa tuluyang magpakita sa kanila,  biniyan kasi ako ni master Light ng pantakip sa mukha ko para raw makasiguro na hindi ako makikilala nang mga kalaban.

Hindi ko alam kung bakit kelangan ko pang gamitin yun pero mahigpit na bilin sa akin ay wag na wag ko daw ipapakita sa kanila ang mukha ko.

At walang pagdadalawang isip ay pumayag ako.

Mabilis kaming nakarating sa lugar na target namin.

Ang plano ay papasukin namin ang ilan sa mga bahay at kapag may nakitang dalaga ay kukunin namin ito ng buhay.

Mas gusto daw kasi ng mga nakakataas ang dugo ng mga birhen. Ewan ko kung bakit. Hindi rin kasi ako tumitikim nun sa di ko alam na dahilan.

Pero tulad nang hinala ko ay meron na ngang mga pinadala na magbabantay sa mga lugar.

Pumwesto ako sa isang puno upang hindi gaanong kita at malaya kong maitatapat sa kanila ang aking pana.

At iyon nga .

Malaya kong napakawalan ang tatlong palaso saka tumama sa tatlong bantay sa bukana ng bayan.

Saka ko sinenyasan ang mga alagad ko na simulan nang pumasok sa loob.

Napatigil naman ako sa tatlong katawang nakahandusay at tinignan ito.

"Napakahina talaga ng mga tao." sambit ko pa bago nagpatuloy sa paglalakad

Bigla namang sinalubong ako nang isa kong kasama.
"May mga hunter. Yung isa magaling,  andaming namatay na kasamahan natin " sabi niya sa akin sa gitna ng mga paghingal niya

"Nasan siya ?" tanong ko sa kanya

Pagkaturo niya sa akin ng lugar ay agad ko itong pinuntahan.

At naabutan ko nga yung hunter na tinutukoy niya na nakikipaglaban sa lima ko pang kasama.

Magaling nga.
Wala akong masabi habang pinapanuod ko siya mula sa likuran niya.

Mabilis ang pagopensa na agad naglaho ang tatlo niyang kalaban.

"Sandali !" pagsasalita ko naman na ikinatigil nila dahil napatingin sila sa akin

"Ako nang bahala sa kanya,  mauna na kayo." utos ko sa mga kasama ko

Sinunod naman nila ako kaya kaming dalawa nalang ang natira sa lugar na kinaroroonan namin.

Hindi ko alam kung anong bigla kong naramdaman nung nagkatitigan kami at nagsukatan ng tingin.

Nakita kong kumunot ang kanyang noo na parang sinasabing nakita na niya ang mga mata ko kung saan.

Pero agad ko itong bumawi dahil mabilis akong pumunta sa likod niya ng hindi niya namamalayan.

Naramdaman ko pa ang pagkagulat niya nung tinapatan ko siya ng dagger sa leeg.

Well, gusto ko sana ng laban pero mukhang hindi yun magtatagal dahil isang tao ang isang to. At mukhang wala akong mapapala dito dahil sa kahinaan niya.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon