Yulia's PoV
Sumapit ang linggo at oras na ng paghahanda ko para sa gaganaping pagtitipon mamaya sa palasyo.
Sabi ni Henri ay dapat raw mukhang presentable ako mamaya at makibagay raw ang suot ko kaya binilhan niya ako ng cocktail dress. Paggising ko kanina saka niya ito binigay.
Nung sinukat ko naman ay sakto lang sa hita ko para maitago ang mga armas ko laban sa mga bampira.
Hmm. Hindi na masama.
Sino kaya pumili ng damit nato.
Nevermind.
Nagmadali na akong patuyuin ang buhok para maiayos ko at naglagay ng make up sa mukha.
Tss..
Bodyguard lang naman ang kalalabasan namin mamaya bakit pa kelangan mag ayos ng ganito.
Ang dami talagang chechebureche ni Henri.
Nang masatisfy naman ako sa itsura ko sa salamin ay hinagilap ko yung 3-inch kong sandals na sinusuot ko tuwing may party sa headquarters. Si Henri din ang nagbigay sakin.
Naalala ko nung unang suot ko nito ay isang linggo akong naconfine sa ospital noon dahil sa injury na natamo ko nun nung hinabol ko si Plato sa buong headquarter dahil sa pang aasar niya sa akin nun. Kesyo bakla daw ako kasi nagsuot ako ng ganun. Palibhasa sanay siya na rubber shoes lagi ang suot ko.
Kaya nung pagkalabas ko ng ospital nun ay pinasuot agad sa akin ni Henri yung sandals na ito para raw masanay ako kasi ganto naman raw talaga ang dapat na sinusuot ng mga babae at hindi puro rubber shoes.
Kaya ayun. Nagamay ko rin ang pagsusuot ng mga gantong klaseng sapatos. Kahit na minsan lang akong magsuot.
Tsk. Importante rin talaga sila sa akin kasi naging parte na sila ng paglaki ko.
Sila yung nagpasaya sa akin nung mga panahon na nangungulila ako sa mga magulang ko.
Kaya rin siguro hindi lumaki yung galit ko sa kanila.
Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng katok sa pinto ko.
"Yulia. Matagal ka pa ba jan ? Nandito na si Plato." sabi ni Henri sa labas.
"Saglit nalang po " sabi ko sa kanya
Kaya tinignan ko muna saglit ang sarili ko sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto.
At nadatnan ko si Plato na nakaupo sa sala. Nakaitim na tuxedo at nakawax ang buhok.
Tss. Mukhang tao ah."Wow ! San ang binyag natin ?" pabirong sabi niya sa akin kaya binatukan ko siya.
"Aww. Wag nga ang buhok ko. Ang hirap kayang ayusin niyan." sabi pa niya at kinapa pa ang buhok para malaman kung may nagulo.
Inirapan ko naman sya."San si Henri ?" tanong ko
At biglang sumulpot si Henri mula sa kung saan na ginagalaw ang necktie.
Lumapit ako sa kanya para tulungan syang itali ito.
"Dapat kasi ribbon nalang ang binili mo." sabi ko sa kanya habang inaayos.
"Anong klaseng pagtitipon ba to at kelangang ganto ang ayos natin ?" tanong ko sa kanila ng matapos kong ayusin yung necktie ni Henri.
"Di mo ba binasa ng maayos yung dyaryong binigay ko sayo nung nakaraan ? Kaarawan ni Lady Leann." sagot sa akin ni Henri
Taka naman akong napatingin sa kanya
"Sinong Lady Leann ?" tanong kong muli sa kanyaNapailing naman si Plato at hinila na kami palabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
The Hunter
VampireYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...