T.H. 46

947 46 7
                                    

-Crime Scene
X)



Hunter's PoV


Halos di na ako makagalaw nung bumagsak na ako sa tubig.

Maswerte pa rin ako dahil hindi sa batuhan tumama ang katawan ko.

Pero mukhang yung swerte ko ay hanggang dun nalang.

Bukod sa lakas ng impact nung tubig sa katawan ko ay may tama nga pala ako sa bandang dibdib kaya nahihirapan akong igalaw ang buong katawan ko

Kung hindi man ako mamatay sa pagkaubos ng dugo ko ay siguradong mamamatay naman ako sa pagkaubos ng hangin sa katawan ko.

At nararamdaman ko na yun.


Bakit kaya pakiramdam ko naulit na tong pangyayaring to sa buhay ko ? Hindi ko naman maalala kung kailan at kung anong eksaktong nangyari.


Pero kung maalala ko man wala na ring saysay dahil babawian na ko ng buhay.

That man is very lucky.

At ayoko na siyang isipin.


Pero ewan ko ba,

Bakit sa mga oras na to nakikita ko siya.


Lumalangoy papalapit sakin.

Di pa ba sapat na binuwis ko na buhay ko sa kanya ?

Na kahit hindi ko siya kilala ginawa ko yun ?


Master Light, patawarin mo sana ako sa nagawa ko.

Sinubukan kong ikurap ang mga mata ko.

Namamalikmata na naman kasi ako.

Pero nalaman kong nagkakamali ako nung hawakan niya ang mga kamay ko at hinalihin papalapit sa kanya saka ako niyakap.

Akala ko hanggang dun lang ang gagawin niya pero,










Bigla niyang nilapat ang labi niya sa labi ko.



Saka ko naramdaman yung hangin na binibigay nya sa pamamagitan non.



Ano bang iniisip niya ?

Bakit niya ginagawa to ?

Hindi ba't kalaban niya ko ?


At ano ba tong nararamdaman ko ?


Bakit di ko siya kinamumuhian ?









----------------------------------








Naalimpungatan ako nung maramdaman ko ang hampas ng tubig ng dagat sa mga paa ko.
Nagising ako sa tabi ng isang bonfire na tanging ito lang ang nagbibigay liwanag sa lugar na kinaroroonan ko.

Inilibot ko muna ang mga mata ko bago ko naalala yung mga nangyari sa akin.

Nawalan pala ako ng malay.

Ngayon nandidito ako sa isang isla na hindi ko alam kung malapit pa ba ito sa pinanggalingan ko o ano.

Inupo ko naman ang sarili ko pero napadaing ako nung maramdaman yung kirot sa aking kaliwang dibdib.

Hanggang sa makapa ko yung telang bumabalot dito.

Nahinto ang diwa ko nang may mapagtanto ako.


The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon