Yulia's PoV
"You are so wonderful my daughter" nakangiting bati sa akin ng papa ko
Nakita ko silang pumapasok ni mama mula sa repleksyon nila sa salamin
"Salamat po." sagot ko naman sa kanya
Niyakap naman ako ni mama.
"Imahe mo palang malalaman na nilang ikaw ang prinsesa" sabi ni mama
Ngumiti lang naman ako.
"O pano ? Mauuna na kami ng mama mo. Tutulong kami sa pagaasikaso sa mga bisita." sabi ni papa
"Sige po." nakangiti kong sabi
Hinalikan naman ako ni mama sa aking ulo at saka sumunod kay papa.
Ramdam kong may pinaolano sila kaya nagdaos ng kaarawan ang hari.
Hindi ko lang alam kung ano dahil walang nagsasabi sa akin.
Hindi ko rin alam kung may alam ang mga kasamahan ko.
Mukhang may magaganap mamaya at kailangan kong maghanda.
Inilagay ko ang dagger ko sa ilalim ng aking suot.
Tama lang ang damit na binigay sa akin ni Elise para matago ang dagger sa aking hita.
"Yulia."
Napatingin ako kay Fiona na nakatayo sa pintuan ng aking pinto.
"Wag kang magtataka kung dikit ako ng dikit sayo mamaya sa party. Gagawin ko lang ang tungkulin ko. Maraming dadalo mamaya at hindi natin alam kung sino ang kaaway. Maging alerto ka rin sana at umiwas sa kapahamakan. Isipin mo ang dinadala mo" pagpapayo sa akin ni Fiona
"Naintidihan ko" sagot ko
Nung narinig nya un ay nagpaalam na siyang mauuna siya.
After pa ng ilang pag aayos ko sa sarili ko ay lumabas na rin ako ng kwarto ko.
At nagulat ako sa nakita ko pagbukas ko ng pinto.
"Anong ginagawa mo dito ?" tanong ko
"I am waiting for my wife. And here she is." sabi niya
Umirap naman ako.
Ang daming alam.
Inoffer naman niya yung braso niya saying na kumapit ako dito.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko kung kakapit ako kaya kinunutan ko sya ng noo
At di sya nagpatinag,
Inabot niya ang mga kamay ko at ikinapit sa kanya.At ewan ko ba kung bakit parang nagslow mo ang paligid ko nung hinawakan niya ang kamay ko.
"Bakit di natin totohanin ang lahat ? And forget about our deal." ewan ko kung saan niya nakuha ang mga salitang yun.
"Ano ?" tanong ko sa kanya
Hindi ko kasi alam kung nasa state sya ng pagbibiro nya o ano e.
"You look beautiful." sagot niya
Tssss.
Di naman yun yung narinig ko eh.
BINABASA MO ANG
The Hunter
Ma cà rồngYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...