Yulia's POV
"Ariya." narinig kong sabi ng babae.
Pakiramdam ko ay kinakain ako ng dilim dahil wala akong makita.
Patuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa makakita ako ng liwanag kaya pakiramdam ko ay nabuhayan ako ng loob at mas binilisan ko ang pagtakbo.
Hindi ko alam kung sa paanong paraan ako napunta sa dilim na ito.
Hanggang sa napatigil ako dahil isa na namang pamilyar na eksena ang aking nasasaksihan.
"Ariya !" mahinhing sabi ng magandang babae sa batang naglalaro sa ilalim ng puno
Pero ngayon pamilyar na sa akin ang kanyang mukha at sinisigurado kong siya nga iyon.
Nakita kong napatingin ang batang babae sa kanya at ngumiti.
"Mama !" sabi ng batang babae at tumakbo naman ito papalapit sa kanyang mama
Inilibot ko ang aking paningin na napansing pamilyar na sa akin ang lugar na kinaroroonan ko ngayon.
Isang napakagandang hardin sa likod ng isang napakalaking palasyo.
Marami akong magagandang rosas na nakikita na iba't ibang kulay.Itong lugar na to. Ito ang dahilan ng pagkakapasok kong muli sa palasyo.
Napatingin ako sa mag ina kanina nung narinig kong umiyak yung batang babae.
Marahil ay nadapa dahil may sugat na ito sa kanyang tuhod.
Nilapitan naman siya ng kanyang ina at sinubukan siyang patahanin gamit ang isang kanta
"Pain pain go away." sambit ng ina sa bata sa tono ng rain rain go away at hinipan yung sugat nung bata.Bigla naman akong nakaramdam ng pagkirot sa aking dibdib kaya napaupo ako sa damuhan.
Pakiramdam ko ay naninikip ang aking dibidib at nahihirapan akong huminga.
Gantong ganto yung naramdaman ko nung unang beses kong nasaksihan ang ekesena yun.
B-bakit.
Anong meron sa kanila ? At sa tuwing napapanuod ko sila ay ganto ang nararamdaman ko.
Napasigaw ako ng maramdamang mas lalong sumakit ang aking dibdib.Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga at sapo sapo ko ang aking dibdib sa hingal.
A-ano bang meron sa kanilang mag-ina ?Ilang minuto ko ring kinundisyon ang aking paghinga bago tuluyang mapansin na wala ako sa kwarto ko at ang kumot na nakabalot sa akin ay hindi rin akin.
Napalibot naman ang tingin ko sa paligid ng kwarto.
Kwarto ni Apex.
Naalala ko naman ang nangyari kagabi.
Hindi ko talaga lubos na naisip na darating pala ako sa puntong kakaawaan ko ang mga bampira.
Napasapo naman ako sa mukha ko.
Pakiramdam ko tuloy ay pinagtaksilan ko ang mga magulang ko. At sa isiping iyon ay napakuyom ako ng kamay.
Pero hindi ko alam kung bakit sa isang sulok ng utak ko ay may nagsasabing wag ako magsisi at tama lang ang ginawa ko.
Napailing nalang ako sa tumayo na at iniligpit ang kama ni Apex. At habang ginagawa ko iyon ay may naramdaman akong kakaiba. Napatingin ako sa paligid ng kwarto at nakiramdam. Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isa pa niya mesa malapit sa cabinet niya.
Isang bagay ang nagniningning. Pakiramdam ko ay tinatawag ako at pinalalapit sa kung ano man ito.
Nang makalapit ako ay saka ko lang napagtanto na isa itong dyamante sa hikaw. Mukang pinakaiingatan ito ng prinsipe dahil nakaayos pa ito sa isang lalagyan.
BINABASA MO ANG
The Hunter
VampireYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...