Dedicated to:
MhnBln---------------------
Yulia's PoV
"Pain pain go away,"
Rinig kong pagkanta ng kung sino man.
Nararamdaman ko rin na may humihimas ng marahan sa aking mga kamay.
Nais kong buksan ang aking mga mata ngunit parang ang bigat bigat ng mga talukap ko.
Pakiramdam ko ay nanghihina rin ang aking katawan.
Naalala ko yung mga nangyari bago pa ko malagay sa gantong kondisyon.
Ang galing lang , buhay pa ko sa kabila ng mga kuryenteng hindi ko nakontrol ng maayos sa aking katawan.
Nakarinig naman ako ng parang pagbukas ng pinto at mga boses na kasunod nito.
"Magpahinga muna kayo tita, kami na po muna ang magbabantay kay Ariya." sabi ng boses ni Elise
Naramdaman ko naman na mas humigpit pa ang hawak sa akin ng kung sino man ang may hawak ng kamay ko.
"Hindi. Gusto kong pag mulat ng mga mata niya ay makita niya ko." mahinang sabi ng boses ng babae
Maya maya naman ay nakaramdam ako na parang may tumutusok sa aking pisngi.
"Hoyy ! Yulia , gumising ka na nga jan. Tama na yang pagtulog mo. Hindi ka si Sleeping Beauty para matulog ng mahaba." sabi ng boses ni Plato.
Naramdaman ko na pinisil pisil pa niya ang pisngi ko. Yung may kasamang panggigigil ha.
"Ano ka ba naman Plato ! Mamaya masaktan yang si Yulia e." rinig ko na parang boses ni Shandra
Pero ang nakakapagtaka ay nararamdaman ko ang pagpisil sa akin ni Plato sa pisngi pero hindi ko maimulat ang aking mga mata o maigalaw man lang ang aking katawan kahit ang mga daliri ko man lang.
Ano bang nangyari sa akin ?
"Teka," narinig ko naman na sabi ni Elise
Natahimik naman ang buong paligid sa di malamamg dahilan.
Umalis ba sila ?
Pinilit ko rin namang igalaw ang aking katawan.
Tapos nakaramdam ako na parang may daliri na pumatong sa noo ko.
At pagkatapos nun ay bigla ko nang naimulat ang aking mga mata.
At tumambad sa akin ang mga mukha nilang hindi ko maintindihan.
Nabalot ng katahimikan ang kwartong kinaroroonan namin. Nandito ako sa kwartong ibinigay nila sa akin sa palasyo.
Dahan dahan namang sinundot ni Plato ang pisngi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Gising kana ?" tanong niya pa kaya binatukan siya ni Elise
"Obvious ba ?" sabi ni Elise
Napatingin naman ako kay Lady Lian na nakaupo sa gilid ng kama ko.
Nakangiti siya pero nakikita ko na nangingilid na ang mga luha niya.
Sinubukan kong umayos ng upo, kaya inalalayan niya ako
"Dahan dahan lang iha, kakagising mo lang." sabi naman niya sakin.
"Kamusta kayo ?" tanong ko naman sa kanila ng makaayos ako ng upo.
"Ano ka ba naman Yulia, napahamak ka na nga , yan pa ang una mong tanong." sabi sa akin ni Elise na parang pinagsasabihan ako sa tono ng pananalita niya

BINABASA MO ANG
The Hunter
VampiroYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...