T.H. 20

1.1K 54 0
                                    

Yulia's PoV

"Ikaw at ang prinsesa ay iisa."




Parang nag echo pa sa aking tenga ang sinabi niya. Tama nga siya sa sinabi niya na naghihinala na ko sa mga nangyayari. Pero ayokong patulan. Ayokong tanggapin. Nakakagulat pala kung may magsasabi sayo.

"Hindi kita mamadaliin. Hihintayin ko hanggang sa maging handa ka na."

At pagkasabi niya nun sa isang kisapmata ko ay bigla nalang siyang nawala. Nawala na parang bula.
Mabuti na rin yon. Hindi ko rin naman kasi alam ang irereact at isasagot ko sa mga sinabi niya.
Sa ngayon pakiramdam ko blangko ako. Pakiramdam ko wala akong alam.

Napatingin ako sa larawan ng mga magulang ko. Ang mga Williams.
'Bakit hindi nyo sinabi sakin ? Bakit nyo tinago ?' tila pagkausap ko sa kanila.

Kaya ba napapanaginipan ko si Lady Leann ?

Yap. Siya yung napapanaginipan ko. Kasama yung batang babae.
Pero bakit ganun ?

Wala akong maalala na naging parte sila ng buhay ko ?

Napabuntong hininga na lamang ako sa lahat ng ito.

Saglit pa kong nakatayo sa harap ng larawan at nakayuko. Nang parang mahimasmasan ako ay lumabas na ako sa silid.

Nagpatuloy ako sa paglilibot sa palasyo. Hanggang sa mapadpad ako sa garden kung saan ko nakita yung nagtangkang patayin si Lady Leann.

At doon ay narinig ko na naman yung tunog ng pluta.
Muli ay hinanap ko kung saan ito nagmumula at di naman ako nabigo.

Di tulad nung una, ngayon ay nakaupo siya habang nakapikit na pinapakinggan yung sarili niyang musika.

Kung papakiramdaman mo yung tinutugtog niya, masasabi mong malungkot siya dahil sa bagal ng ritmo Na kanyang nililikha.

Bigla naman siyang tumigil sa pagtugtog at tumingin sa akin kaya medyo nagulat ako.

Geezz.

Nang matauhan ako sa aking pagkakagulat at yumuko naman ako sa kanya bilang paggalang.

Ngumiti ito sa akin at sumenyas na lumapit ako sa kanya kaya naglakad ako papalapit sa kanya.

"Maupo ka." sabi niya pa sa akin.

Umupo naman ako sa tapat niya.

"Hindi pa nga pala ako personal na nakakapagpasalamat sa iyo Iha." sabi niya sa akin

"Naku wala ho iyon. Natural lang po sa aming mga hunter ang gawin yon." sagot ko naman at yumuko dahil hindi ko matagalan ang tumingin sa kanya.
Para kasing ano mang oras matutulala ka dahil sa kagandahan niyang taglay. Ganto rin yung naramdaman ko nung una kong nameet si Elise.

"Hindi lang basta basta iyon iha. Buhay ko ang niligtas mo. At muntikan ka nang mamatau dahil dun. Kaya hayaan mo na iparamdam ko sa iyo ang pasasalamat ko." sabi niya at tumayo.
"Halika. Sumunod ka." sabi niya pa

Tatanggi pa sana ako ngunit hindi nagawa dahil naglakad na siya. At hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi ako makapagsalita sa kanya.

Pamilyar na sa akin yung dinadaanan namin dahil nadaanan ko na ito kanina.
Pero nagulat pa rin ako ng pumasok na kami sa kusina.
May mga nadatnan naman kaming mga nagluluto ngunit tumigil sila nung nakita si Lady Leann na pumasok at nagbigay galang sa kanya.

"Ipagpatuloy niyo na lamang yan mamaya." utos niya sa kanila at sinunod naman siya.
Sa isang iglap naman ay biglang luminis ang kusina saka nagsipaglabasan na yung mga kusinero.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon