T.H. 31

1.1K 44 1
                                    




Yulia's PoV


Umayos ako sa pagkakaupo mula sa aking pagkakahiga.

Napasapo ako sa dibdib ko ng maalala ko kung ano ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay.

Sakit.  Sobrang sakit at hinihiling ko na sana ay wag nang maulit yun.  Hindi ko alam kung pano niya nagawa iyon na sa isang kumpas lang ng kanyang isang kamay ay halos bawian na ako ng buhay.  Maswerte nalang siguro ako at hindi niya ako tinuluyan.

"Kamusta na ang pakiramdam mo ?"  tanong niya na nakaupo sa couch.

"O-okay na."  sagot ko naman sa kanya.

"Anong nangyari kay Tedorio ?  Nagkagulo ba ?"  nag aalalang tanong ko naman sa kanya.  Nakaramdam ako ng guilt.  Kung sana hindi ako mahina ay nakatulong pa sana ako sa kanila sa pagtataboy kay Tedorio.

"Nung nakumpirma na niya ang dapat niyang kumpirmahin ay naglaho nalang siya na parang bula." sagot naman niya

Habang nagsasalita siya ay inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto dahil napansin ko na hindi ito pamilyar. At tama nga ako.

"They've decided na dito kana dalhin pagkatapos mong mawalan ng malay.  Ito na raw ang magiging tirahan natin bilang mag asawa."  sabi ni Apex.  Napansin niya siguro na naguluhan ako sa lugar

I see.  -_-

Tinotoo pala talaga nila na ihiwalay kami sa palasyo.

"Aah.  Ito ba ang kwarto ko ?"  tanong ko naman sa kanya

"Hindi."  sagot naman niya kaya tinignan ko siya ng nakakunot ang noo.

"Kwarto nating dalawa."  dugtong niya pa na ikinagusot lalo ng noo ko.

Tumayo ako para lumabas ng kwartong ito at tignan kung anong klaseng bahay ang ibinigay sa amin. At alamin kung itong kwarto lang ba ang meron itong bahay na ito.

Namangha ako ng makalabas ng kwarto.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng damuhong prinsipe sa loob.
-_-  

This is not a house.

This place is a mansion !

Yep !   Napakalaki at masasabi mong hindi ito nababagay sa aming dalawa lang.

Hmm.  Malaki siya pero syempre mas malaki ang palasyo.

Pero duhh !   Ang sabi nila sa amin tong dalawa ni Apex e !   Arghhh.

I should look for another room para matulugan ko -_-

Ayokong katabi si Apex no.

"You can't."   biglang salita naman ni Apex na hindi ko alam kung kelan pa nandito sa likod ko.

"Anong you can't ?"   tanong ko naman sa kanya.  Ano bang meron sa kanya at bigla bigla nalang nagsasalita -_-

"Hindi ka pwedeng maghanap ng ibang kwarto."  sabi niya pa

Napalaki naman ang mata ko sa sinabi niya

O. M. G.  O_O

Tapos humalakhak siya.  As in -_-

"I told you we have the bond. Haha."  sabi niya sa pagitan ng kanyang pagtawa.

Nababaliw na siya -_-

Hindi ko na siya pinansin dahil nagets ko ang sinasabi niya.  Tssk.  Ayoko talaga ng sinasabi niyang bond bond na yan e.  Tsss

Itinuloy ko ang paghahanap ng kwarto at di naman ako nabigo.  

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon