Hunter's PoV
"Ina ! Ama !" sigaw ng isang bata nung makita ang mga magulang na nakahiga at naliligo sa sariling dugo.
Nanginginig siyang lumapit sa mga ito at umiiyak na hinawakan ang bangkay nilang katawan.
Hindi ko alam kung bakit ko nakikita ang mga pangyayaring to.
At parang merong nagsasabi sa puso at utak ko na kilala ko ang mga taong ito at alam ko ang nangyayari.
Lumapit ako sa batang babae para sana patahanin siya pero nagulat ako nung tumagos lang ang mga kamay ko sa kanyang katawan.
Tinignan ko ang mga ito habang nagtatanong sa sarili kung ano ang nangyayari.
Sabay kaming napatingin sa taong naglalakad ng dahan dahan palapit sa kanila.
At nung natamaan ng liwanag mula sa buwan ang kanyang mukha ay nagulat ako nung nakita ko ang mukha ni master Light.
Namumula ang mga mata at nakalabas ang mga pangil.
Meron pang bahid ng dugo sa kanyang labi."Bampira ! Isa kang halimaw !" sigaw nung batang babae.
Napatawa naman si master Light sa sinabi niya.
"Ang kwento ni ama sa akin mababait daw ang mga bampira. Tinutulungan nyo kami sa aming kabuhayan. Pero bakit ganun ? Bakit pinatay mo sila ?" tanong nito sa taong ngayon ay nginingisian siya.
Si master Light ba ang may gawa ng lahat ng iyan sa magulang ng batang babaeng ito ?
"Ahahah ! Bata ka nga talaga. Madali kang mapaniwala ng mga kathang isip." natatawang sabi ni master Light sa batang babae.
"Halimaw ka ! Bakit mo sila kinain !" umiiyak na sabi nung bata
"Huh. Wag kang mag alala. Isusunod na kita para magkasama sama na kayo." sabi ni master Light at saka akmang lalapit sa bata ngunit nakarinig siya ng sigaw at napalingon siya sa pinagmulan nun.
Pati ako.
Nung bumalik naman ang tingin namin kay master Light ay wala na ito.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid pero kahit anino nito ay hindi na ko na nakita at parang napunta ako sa ibang lugar at panahon."Weak !" sabi nung lalaking pamilyar sa akin habang umiiwas sa suntok ng isang babae.
Hinanda nito ang kanang kamay niya at saka akmang susuntukin yung lalaki pero nakaiwas siya kaya nakakuha yung babae ng lusot at sinikmura niya ito gamit ang kaliwang tuhod niya saka tumalon palayo sa lalaki.
Nagulat naman ako nung nakita ko yung mukha ng babae at hindi makapaniwala ng mapagtanto na kamukha ko ito.
Hindi,
Ako ang babaeng to.
Sinubukan ko siyang hawakan ngunit natulad rin ito sa nangyari kanina,
tumagos rin ang aking mga kamay at nagmistulan akong multo.
At muli ay parang nalipat na naman ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan.
"Ikaw yung bagong student ?" sabi nung isang babae sa kamukha ko na nasa harap ko ngayon
Lumapit ako sa kanila para mas maayos ko silang makita at marinig.

BINABASA MO ANG
The Hunter
VampireYulia adores vampire very much. Dati. Hanggang sa mangyari ang araw na hindi niya inaakalang magagawa pala talaga ng mga bampira ang pumatay ng mga inosenteng tao. Ang masaklap pa ay mismong mga magulang niya ang naging biktima nito. She hated vampi...