T.H. 34

1K 54 0
                                    



Elise's PoV

"Yulia !"  pagtawag ko sa kanya nung nakita ko siya sa campus ng academy

Pero kagaya nang mga ginagawa niya nitong mga nakaraang linggo ay inignora niya ako.

Oo

Hindi ko alam kung bakit.

Simula nung araw na nagkasakit siya hanggang sa nakabalik na kami sa bagong bahay namin ay hindi nya kami pinapansin.

Akala namin nung mga unang araw pa ay may sakit pa siya at dala lang yun ng moodswings niya. Pero nagtaka na kami nung nagtuloy tuloy na na hindi niya kami pansinin.

Tanging si Plato lang ang nakakakausap sa kanya ngunit tipid lang ang mga isinasagot nya.

Sinubukan namin siyang konprontahin ngunit tila lumala pa ang sitwasyon.

May hinala ako na may kinalaman ito sa pagiging bampira niya.

Poor Yulia,  bakit kelangan mo pang damdamin ang mga yon.

"Hindi siya matatahimik hanggat hindi niya naoovercome ang takot sa kanyang dibdib."

Napatingin naman ako sa nagsalita.


"Apex. Bakit hindi natin siya tulungan ?  Kung hindi rin tayo dumidistansya sa kanya pwede tayong makatulong"  sagot ko naman sa kanya at umupo sa bench na kinauupuan niya

"Kung yun lang din naman ang paraan e di sana matagal nang nawala yung takot niya dahil matagal na rin siyang sumasama sa atin diba ? At isa pa, siya lang ang makakatulong sa sarili niya."  sagot pa niya sa akin at biglang naglaho na parang bula.

That jerk .  tsss.

Bakit parang wala siyang pakialam sa kabiyak niya ?   Aishhhh.

Baka nga siya pa ang dahilan kung bakit di umuuwi samin ang prinsesa e. Tssk

LQ siguro -_-





Yulia's PoV


Napakuyom ako sa galit nung naramdaman ko na naman ang panunuyo ng aking lalamunan.

Pumasok ako sa isang kwarto at swerteng walang tao ang nandito.

Stupid bloodlust.

Napaupo ako habang hinahabol ang hininga ko.

Hindi ko sana ito mararamdaman kung nasa akin pa yung kwintas ko. 

Aaackkk-

Pinilit kong hwag gumawa nang ano mang ingay.

Kaya tinatakpan ko ang aking bibig.

Mas lalo pa kong lalala kapag nakakita ako ng tao.

Hindi ko hahayaan na maging katulad nila ako.

Naghagilap ako sa buong classroom nang tubig. Baka may naligaw na tubig rito pero bigo ako.

Pinilit kong gumalaw ng normal at tumayo. Kelangan kong umakto na parang wakang dinadamdam dahil lahat ng mata ng mga istudyante ay nasa akin na.

Alam na ng lahat na ako ang kanilang nawawalang prinsesa. Kaya lahat ng paggalang at pagiging mabait ay ibinibigay sa akin.

Pero ramdam na yung iba ay puro kaplastikan lang ang nasa likod ng mga ngiti nila.

Tsssk.

Hindi ako umuuwi sa bahay at sa dorm ako ng academy nagpapalipas ng gabi.

Ayoko kasing ipaalam sa kanila ang kalagayan ko dahil sa oras na malaman nila ay kukumbinsihin nila akong painumin ng sariwang dugo.  At sa ganung sitwasyon lalo lang lalala ang aking dinadamdam sa kanila.

The HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon